Advertisers
Tila may maiibang ihip ng POLITIKA sa PARAÑAQUE CITY dahil balitang balita na ang VETERAN POLITICIAN na may tagline na “LAGING NAGLILINGKOD” sa bahagi ng DISTRICT 2 ay masasapawan ng isang PARTYLIST REPRESENTATIVE ngayong darating na MIDTERM ELECTION 2025.
Ang tinutukoy po natin na tila magtatapos na sa karera ay si DISTRICT 2 PARAÑAQUE CITY CONGRESSMAN GUSTAVO ALONZO TAMBUNTING o mas kilala sa tawag na GUS TAMBUNTING dahil mas nagiging tanyag na ang katunggali nito na si BICOL SARO PARTYLIST BRIAN RAYMUND YAMSUAN na ayon sa mga observer sa naturang lungsod ay tila nagsasawa na raw ang mga residente sa kanilang VETERAN CONGRESSMAN at kinakailangan na ang ibang pigura bilang BAGONG PAG-ASA NG DITRICT 2 PARAÑAQUE CITY.
Batid naman ng lahat na kahit ang POWERFUL POLITICIAN na may makinaryang political at limpak-limpak na salapi ay maaari pa ring matanggal sa puwesto kung aayawan na siya ng mga tao dahil sa mga kakulangang pagseserbisyo.
Ang halimbawa ng mga VETERAN POLITICIAN na dinaig ng mga bagito ay tulad na lamang sa PASIG CITY na ang beteranong si CITY MAYOR BOBBY EUSEBIO na 27-taong namayagpag sa kanilang lungsod ay dinaig ng bagitong si VICO SOTTO; dinaig din ng bagitong si EDWIN JUBAHIB ang DAVAO DEL NORTE GOVERNOR RODNEY DEL ROSARIO noong 2019 ELECTIONS na nagsilbing hudyat sa pagtatapos ng DEL ROSARIO POLITICAL DYNASTY sa kanilang LALAWIGAN.., maging ang kapatid ni RODNEY na si ANTHONY DEL ROSARIO ay tinalo ni PANTALEON ALVAREZ bilang 1st DISTRICT DAVAO DEL NORTE CONGRESSMAN; at maging si DAVAO DEL NORTE 2nd DISTRICT CONG. ANTONIO FLOIRENDO na 13-taon namayagpag sa pagiging CONGRESSMAN ay tinalo ito ni ALDU DUJALI noong 2019 ELECTIONS.
Sa bahagi naman po ng PARANAQUE CITY ay mahigit 30-taon na si GUS TAMBUNTING bilang GOVERNMENT OFFICIAL sa kanilang lungsod.., na una itong naging COUNCILOR sa kanilang lungsod noong 1988 hanggang 1995 at noong 2001 hanggang 2007. Pagkatapos ay tumakbo ito at nanalo bilang VICE MAYOR mula 2007 hanggang 2013 at naupo naman bilang 2nd DISTRICT CONGRESSMAN mula 2016-2019. Bumaba ito sandali sa puwesto para ang asawa namang si JOY ang kumatawan sa 2nd DISTRICT mula 2019-2022.., na nitong 2022 ay muling nagbalik bilang 2nd DISTRICT CONGRESSMAN si GUS TAMBUNTING.
Ito namang si BRIAN RAYMUND YAMSUAN na unang termino pa lamang nito sa CONGRESS e hindi na ito maituturing pang bagito sa larangan ng GOVERNMENT SERVICE.., dahil COLLEGE pa lamang ay nagsimula na siyang magtrabaho sa ilalim ng dating SENATE PRESIDENT EDONG ANGARA; nagtrabaho rin siya bilang CHIEF OF STAFF ni EX-SENATOR TESSIE AQUINO ORETA; naging pinuno rin ito ng MEDIA RELATIONS DEPARTMENT sa MALACAÑANG at CHIEF OF STAFF ni EX-PRESS SECRETARY DONG PUNO; na-appoint din ito bilang ASSISTANT SECRETARY ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) sa pamamahala ni SEC. RONNIE PUNO at naatasang maging DEPUTY SECRETARY GENERAL ng HOUSE OF REPRESENTATIVES noong 2019 ni SPEAKER ALAN PETER CAYETANO.., bukod diyan, si YAMSUAN ay halos 25 taon nang naninirahan sa BARANGAY BF HOMES na sakop ng DISTRICT 2 ng PARAÑAQUE, kaya alam nito ang mga problema ng lugar at mga pagkukulang ng kanilang kinatawan.
Ayon nga sa mga beterano ng PARAÑAQUE CITY.., bago pa man makilala si YAMSUAN bilang simbolo ng pagbabago sa PARAÑAQUE ay tagilid na raw ang lagay ni TAMBUNTING. Patunay niyan ay ang pagtakbo ng abugadong si JOSEF MAGANDUGA noong 2022.., ito ay tumakbo sa ilalim ng di kilalang SAMAHANG KAAGAPAY NG AGILANG PILIPINO o AGILA laban kay TAMBUNTING na mula sa NATIONAL UNITY PARTY (NUP) na isang matagal ng malakas na partido.., na kumpara kay TAMBUNTING ay walang malawak na makinarya, pondo at di kilala si MAGANDUGA. Gayunman, nakakuha ito ng 47.11 percent ng mga boto kumpara sa 52.89 percent ni TAMBUNTING. Matagal ng INCUMBENT si TAMBUNTING kaya aasahan mong lalampasuhin niya ang kalaban pero 9,011 boto lamang ang naging lamang niya.
Kung magbabasa ng mga KOMENTO sa SOCIAL MEDIA at kung makikinig ka mismo sa mga hinaing ng mga taga-2nd DISTRICT ay makikitang ”umay na umay” na raw ang mga ito sa matagal ng nakaupong si TAMBUNTING.., na karaniwang reklamo nila ay pinipili lang daw ni TAMBUNTING ang mga tinutulungan, kaya pinagtatawanan na ang TAGLINE niyang ”Laging Naglilingkod sa Parañaque” (daw).
Sa isang panayam ay inihayag ni YAMSUAN na may mga naghikayat sa kanya na tumakbo laban kay TAMBUNTING ngayong 2025 dahil gusto na ng mga taga-PARAÑAQUE ng pagbabago mula sa mababang kalidad ng serbisyo publiko sa DISTRICT 2.
Sa huling survey noong November 8-14, 2024 ay malinaw na 51 percent ang BOBOTO kay YAMSUAN at 38 percent na lamang kay TAMBUNTING kung ang halalan ay ginanap noong mga panahon na ‘yon. Sa naunang survey ng SWS noong September, may 44 percent pa si TAMBUNTING at 38 percent si YAMSUAN.
Higit diyan ay naniniwala ang mga taga-DISTRICT 2 na si YAMSUAN ang tunay na Bagong Pag-asa sa Parañaque.., kasama ang mga kaalyadong sina BENJO BERNABE na VICE MAYOR CANDIDATE at sina TESS DE ASIS at BINKY FAVIS bilang mga COUNCILOR. Sa pangunguna ni YAMSUAN ay tiwala ang mga taga-DISTRICT 2 na ang pinapangako nilang bagong pag-asa ay may kaakibat na konkretong aksyon!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.