Advertisers
ILUKLOK ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Hall of Fame si weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Pinay athlete na nakamit ang gintong medalya sa Olympics.
Pormal na iluklok si Diaz sa San Miguel Corporation-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel.
Hindi malilimutan ang tagumpay ni Diaz nang makamit nito ang gintong medalya sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan upang basagin ang ilang dekadang tagtuyot ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics.
Kaya naman bibigyan ito ng natatanging parangal para saluhan sa maningning na programa si first ever Filipino Olympic double-gold medalist Carlos Yulo na tatanggap ng Athlete of the Year award.
Makakasama nina Diaz at Yulo ang iba pang atleta at mga personalidad sa kaganapan na suportado ng Philippine Sports Commission, at Philippine Olympic Committee.
.Isa lamang si Diaz sa listahan ng mga legendary athletes na nasa Hall of Fame.