Advertisers

Advertisers

2 PASAHERONG AFRICAN, ARESTADO SA PAGDADALA NG PHP 97.8 MILYON SHABU SA NAIA 3

0 29

Advertisers

DALAWANG South African passenger ang inaresto ng Bureau of Customs at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (BOC-IADITG) dahil sa pagdadala ng 14,396 gramo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na ‘shabu’na natagpuan sa kanilang naka-check-in baggage noong Huwebes Enero 16, 2025 pagdating sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) Terminal 3

Sa ulat ni NAIA Customs assistant deputy collector for passenger services Mark Almase kay BOC Port of NAIA District Collector Yasmin Mapa , nakilala ang dalawang dayuhan na sina Ondine Louise 44 years old at John Edward 73 years old. Sila ay parehong dumating sakay ng Emirates Airlines flight EK 334 mula sa South Africa via Dubai.

Batay sa report ,nakita ng mga tauhan ng X-ray Inspection Project ang mga kahina-hinalang ‘image’ na lumabas sa x-ray monitor nang idaan sa scanning machine ang bagahe nina Louise at Edward na naging dahilan upang magsagawa ng masusing pagsusuri ang mga awtoridad.



Sinabi ni Almase na natagpuan mula sa pag-iingat ng mga suspek ang iligal na droga na umano’y may street value na PHP 97,892,800.00 na nakatago sa loob ng kanilang mga bagahe. Ito ay nakabalot ng black tape at foil hide sa isang kahon ng mga biskwit at libro at inilagay sa isang tagong compartment.

Ang dalawang African ay dinala sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa inquest proceedings. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)