Advertisers

Advertisers

SV inihayag ang kaibahan sa ibang kumakandidato sa eleksyon

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NITONG nakaraang Pasko, walang materyal na bagay na hiniling si Sam Verzosa bilang regalo for Christmas.

“Wala po talaga e,” lahad ng Manila City mayoralty candidate. “Wala na sa akin yung mga material. Wala na. Ang happiness ko po e, pag na-fulfill ko yung purpose ko sa mundo.



“‘Yan ang definition ko ng happiness, purpose fulfilled. “Na-fulfill ko yung purpose ng Panginoon sa akin. Binigyan niya ako ng sobra, ano ang gagawin ko sa mga gift at blessing na yun?

“Pag nai-share ko sa iba, marami akong natulungan. Actually, doon ako masaya e, kaya ko ‘to ginagawa din, masaya ako, hindi dahil may ibang purpose. “Masaya lang ako. Kanina sa Isla Puting Bato, nandun ako, yung mga nasunugan. Mahigit dalawang libong pamilya.

“Nasunugan sila, pero kahit papaano, nabigyan namin ng konting saya, ngiti, ginhawa.

“Ang mga binigay namin yung mga special Sinandomeng rice, Spam, siyempre kailangan masarap. Mga Luxxe products, vitamins, damit at pati mga toiletries, sabon.”

Ilang bahay ang nasunugan?



“Almost 2,200 families yung apektado. So, pinuntahan ko, bukod doon pumunta pa akong Sampaloc, ganun din, binigyan ko rin ng Spam, rice, may ano pa, may financial assistance.

“Alam mo, kaibahan nito, galing ito sa sarili kong bulsa.”

***

MAY bagong pelikula si Gerald Santos, ang Ayaw Matulog ng Gabi, na ang scriptwriter at direktor ay ang NBI agent na si Ronald Sanchez.

“Very challenging yung role, first time kong gumanap ng ganun katindi. Kasi villain yung role ko,” kuwento ni Gerald.

“And it was a challenge for me pero fulfilled ako as an actor. Andami kong natutunan as an actor.

“Kasi nasanay ako na parang drama, puro drama, ganun. Ito talaga, iba. Iba yung depth ng acting mo. Talagang na-test.

“So, andami kong natutunan, and hopefully, I’m hoping na maka-bag ng nomination din.”

Ano ang aral na mapupulot ng mga manonood sa pelikula?

“Napakadaming aral na matututunan nila, lalo pa ngayon, napapanahon yung movie!

“It’s about human trafficking, sex trafficking, yung ganun. So mag-iingat talaga tayo.

“Lalung-lalo na sa mga involved sa ganito, na sana, magkaroon tayo ng puso, ng konsensiya.

“Na huwag nating i-exploit yung kahirapan para gumamit or mang-abuso tayo ng mga tao.

“And dun sa karakter ko, yung lesson kasi dun, kumbaga may maling ginawa sa kanya pero gumawa pa siya ng mas maraming mali.

“So, hindi rin yun tama. Na hindi porke’t sinaktan ka, e, mananakit ka na rin, may karapatan ka na ring manakit.

“Or may karapatan kang gumawa ng mali porke ginawan ka ng mali. So it’s a lesson of forgiveness din.”

Samantala, ibang Gerald ang mapapanood sa “Courage” concert niya ngayong January 24 sa SM North EDSA Skydome.

“Yung mga current hits, and mga classics na mga kanta, mapapakinggan nila dito.

“And may ilu-launch din kami dun, yung song na ilalabas namin soon, yung “Hubad”.

Maghuhubad ba siya sa concert?

“Abangan niyo,” at tumawa ang binata.

Bukod dito, ilo-launch sa kanyang concert ang adbokasiya ni Gerald na Courage Movement.

“It’s about yung mga naa-abuse sexually, harassment. We’re planning na magkaroon ng parang therapy na mga session for the victims.

“Or legal assistance. Basta, kung ano yung maitutulong namin… we will do that for the victims.

“At in my own small way, para makatulong din ako sa victims like me.”

Special guests ni Gerald sa concert sina Sheryn Regis, Aicelle Santos at Erik Santos.