Advertisers

Advertisers

Si Brian Yamsuan ang tatapos kay Tambunting

0 8,890

Advertisers

TALK of the town ngayon sa District 2 ng Parañaque City ang nalalapit ng pagwakas ng kapangyarihan ng Tambunting sa lungsod.

At ang napupusuan ng marami na ipapalit kay Gus Tambunting ay si Brian Raymund Yamsuan, ang kasalukuyang kinatawan sa Kongreso ng Bicol Saro Partylist.

Si Gus Tambunting ay mahigit 30 taon na sa kapangyarihan. Una siyang naging konsehal ng lungsod mula 1988 – 1995 at 2001 – 2007. Pagkatapos ay umakyat siyang vice mayor mula 2007 – 2013. Naging 2nd District congressman mula 2016-2019. Bumaba ito sandali sa puwesto para ang asawa namang si Joy ang kumatawan sa distrito mula 2019-2022. At muling nagbalik si Gus nitong 2022.



Sa kabilang banda, si Yamsuan, gayong unang termino palang sa Kongreso ay hindi na bagito sa paglilingkod sa gobyerno.

Oo! College pa lamang ay nagsimula na si Yamsuan magtrabaho sa ilalim ni ex-Senate President Edong Angara. Nagtrabaho rin siya bilang chief of staff ni ex-Sen. Tessie Aquino-Oreta. Naging pinuno siya ng media relations department ng Malacanang at chief of staff ni ex-Press Secretary Dong Puno. Na-appoint siya bilang Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamahala ni Sec. Ronnie Puno, at naatasang maging Deputy Secretary General ng House of Representatives noong 2019 ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Si Yamsuan ay halos 25 taon nang naninirahan sa Barangay BF Homes, District 2 ng Parañaque, kaya’t alam niya ang mga problema ng lugar at mga pagkukulang ng kinatawan doon. Mismo!

Bakit mapapalitan na si Gus?

Pagdating sa halalang lokal, ang kalidad ng paglilingkod sa bayan ay matimbang na elemento pagdating sa pagkapanalo sa halalan. Alam nating kahit makapangyarihan ang pulitiko, may malakas na makinaryang pulitikal at limpak-limpak ang salapi, ay maari paring matanggal sa puwesto kung ayaw na sa kanya ng tao dahil sa maraming pagkukulang sa serbisyo.



Isang halimbawa ay ang pagkapanalo ni Vico Sotto bilang Pasig City mayor laban kay Bobby Eusebio noong 2019. Ito ang nagwakas sa 27 taon na pamamayagpag ng Eusebio sa Pasig

Napatumba rin ng isang bagito, si Edwin Jubahib, si Rodney del Rosario bilang governor ng Davao del Norte noong 2019 elections, na siyang nagtapos sa paghahari ng Del Rosario political dynasty sa lalawigan.

Si Rodney ay natalo gayong siya ay kandidato ng kanyang ama na si Rodolfo del Rosario, na dating congressman at gubernador ng Davao del Norte. Maging ang kapatid ni Rodney na si Anthony del Rosario ay natalo ni Pantaleon Alvarez bilang 1st District congressman ng lalawigan.

Maging si Davao del Norte 2nd District Cong. Antonio Floirendo na 12 years congressman ay natalo ni Aldu Dujali noon 2019.

Bago pa man makilala si Yamsuan bilang simbolo ng pagbabago sa Parañaque ay tagilid na ang lagay ni Tambunting. Yes! Patunay nito ay ang pagtakbo ng abugadong si Josef Maganduga noong 2022. Siya ay tumakbo sa ilalim ng di kilalang Samahang Kaagapay ng Agilang Pilipino o Agila laban kay Tambunting na mula sa National Unity Party (NUP), isang matagal nang malakas na partido.

Kumpara kay Tambunting, walang malawak na makinarya, pondo at ‘di kilala si Maganduga. Gayunpaman, nakakuha siya ng 47.11 percent ng mga boto kumpara sa 52.89 percent ni Tambunting.

– Kung magbabasa ng mga komento sa social media at kung makikinig ka mismo sa mga hinaing ng mga taga-Distrito Dos, makikitang “umay na umay” na sila sa matagal nang nakaupong Tambunting. Karaniwan ng reklamo nila ay pinipili lang daw ni Tambunting ang mga tinutulungan, kaya’t pinagtatawanan na ang tagline niyang “Laging Naglilingkod sa Parañaque” (daw). Araguy!!!

Bye, bye, Gus!!!