Advertisers

Advertisers

Sekyu tinaboy, sinira panindang sampaguita ng estudyanteng vendor, sinibak ng SM mall

0 31

Advertisers

NAG-VIRAL ang isang video sa social media ng pagtataboy ng isang security guard sa isang batang babaeng nakasuot ng school uniform, na may hawak na sampaguita na tila paninda nito.

Sa video, makikita ang paghatak ng guard sa sampaguita na hawak ng bata dahilan upang masira ito.

Dahil dito, pinaghahampas ng batang babae ang guard, habang sinasalag naman ito ng huli at kalaunan ay dumistansya na sa bata.



Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang SM Megamall ukol sa viral video ng sampaguita vendor at security guard.

“We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall,” anito.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls,” pahayag ng mall.

“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her,” pagtatapos nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">