Advertisers

Advertisers

Rufa Mae binigyan ng isang milyon ni Willie

0 29

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMI ang nasorpresa nang umapir si Rufa Mae Quinto sa programang “Wil to Win” ni Willie Revillame.

Akala tuloy ng kafaneyan ay lilipat na siya sa nasabing game variety show ni Willy.



Isa kasi si Peachy (tawag kay Rufa Mae) sa judges ng Kalokalike” segment ng “It’s Showtime.”

Ipinaliwanag naman ng komedyana ang pagbisita niya sa nasabing show ng TV host.

Aniya, nandoon daw siya dahil pansamantala siyang lumaya.

Nag-post nga naman siya ng bail sa mga kasong isinampa sa kanya kaugnay ng paglabag umano sa ilang probisyon ng Securities Regulation Code.

Nagpasalamat din siya kay Kuya Wil dahil sa pinansyal na tulong nito.



Binigyan pala siya ng TV host-comedian ng isang milyon.

Sa kuwento naman ng senatorial aspirant, kumain daw sila ng kanyang anak sa isang resto nang maispatan niya si Rufa Mae na isang dati nang kaibigan sa nabanggit na venue.

Kinausap daw niya ito at nagdalang-habag sa pinagdadaanan nito.

Sa kanya namang Instagram, ibinahagi rin ni Rufa Mae ang litrato nila ni Kuya Wil.

Thankful din siya sa TV host for making her happy.

Caption niya: “Help Help Hooray.” Thanks for making me happy Willie.And for the Help Help Hooray. Thanks to myself for visiting Wil to Win.”

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon sa netizens.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.

“Keep your happy vibes Ms Ruffa mae ???? Matatapos din ang mga pagsubok sa life life life mo.”

“I love it, happy fun, ate.”

“Nag iisa BOOBA apaka sayang panoorin.”

“Close friends ito sila kasi si peachy gemini si willie aquarius kaya go go go lang help help hooray!”

***

Japanese Film Festival, aarangkada na

AARANGKADA na ang taunang Eiga Sai o Japanese Film Festival na mapapanood sa mga piling sinehan sa buong bansa simula sa Enero 30 at magpapatuloy sa ibang rehiyon sa bansa.

Ipalalabas ang mga kontemporaryong pelikula tulad ng “Perfect Days” (2023), “Haikyu!! The Dumpster Battle” (2024), “Let’s Go Karaoke!”(2024), “Matched” (2024), at ang remastered version ng animated cult-classic na “Akira” (1988).

Ang JFF 2025 ay magsisimulang mapanood sa Shangri-La Red Carpet Cinema sa Enero 30 at magkakaroon ng regional run sa SM City Baguio (Pebrero 7), SM City Iloilo at SM Seaside Cebu (Pebrero 14) at SM City Davao (Pebrero 21).

Ipalalabas din ito sa SM City North EDSA pagkatapos ng regional runs.

Ang JFF 2025 ay suportado ng Film Development Council of the Philippines sa pakikipagtulungan ng JT International (Philippines) Inc., at Japanese Embassy sa Philippines.

Ang “Perfect Days” ni Wim Wenders ay naging opisyal na kalahok ng Japan sa 96th Academy Awards para sa kategoryang best international feature.

Ilan pa sa ipalalabas ay ang “Godzilla Minus One” na nanalo ng Oscars for best visual effects noong nakaraang taon, ang animation fantasy na “Sand Land”, ang family drama na “Dito”, ang bittersweet romance na “Our Secret Diary” at ang suspense thriller na “Matched”.

Kasama rin sa lineup ang critically-acclaimed film na “Monster” ni Hirokazu Koreeda, ang animated feature na “The Imaginary” ni Momose Yoshiyuki, ang family drama na “Under The Open Sky” ni Nishikawa Miwa

Ang mga pelikulang tampok sa Japanese Film Festival (Eiga Sai) ay libreng mapapanood ng publiko on a first come-first served basis.