Advertisers
PINANGALANAN ng Philippine Olympic Committee (POC) nitong Miyerkules ang chef de mission ng Team Philippines sa ibat-ibang international tournaments sa panahon ng kanilang first general assembly para sa taon.
Hinirang sina Victorico “Ricky” Vargas (2028 Olympics sa Los Angeles, USA), Al Panlilio (2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan), Richard Gomez (2026 Winter Olympics sa Milano-Cortina, Italy), Dr. Jose Raul Canlas (2025 Southeast Asian Games sa Thailand), at Stephen Arapoc (2025 World Games sa Chengdu, China).
“The objective is to prepare our teams, and athletes, in earnest for the international competitions, that’s why the chefs de mission were appointed. If we prepare early, there will be no excuses,” Wika ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa committee’s General Assembly sa East Ocean Seafood Restaurant sa Parañaque City.
Richard Lim ng karate ay chef de mission sa Asian Winter Games naka-iskedyol simula Pebrero 7 hanggang 14 sa Harbin,China,habang ang head of delegation para sa 3rd Asian Youth Olympics games, nakatakda sa Oktubre 22 hanggang 31 sa Bahrain, ay hindi pa pinangalanan.
Vargas,dating POC president, ay kasalukuyang chairman ng boxing federation,habang si Panlilio (basketball) at Gomez (modern pentathlon) ang incumbent POC first at second vice presidents, ayon sa pagkakasunod.
Canlas ay treasurer ng surfing association at Arapoc ay presidente ng muaythai association.
Ang SEA Games ay gaganapin sa Chonburi, Songkhla, at Bangkok mula Disyembre 9 hanggang 20.
Ang Milano-Cortina Winter Olympics ay nakatakda simula sa Pebrero 6 hanggang 22, at ang Aichi-Nagoya Asian Games ay sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa 2026.
Ang Los Angeles Olympics ay gaganapin simula Hulyo 14 hanggang 30, 2028.
Hinirang din sina dating football president Mariano “Nonong” Araneta na ethics committee chairman at lawyer Daniel Hofileña, a non-POC member, bilang head ng arbitration committee.
Sinabi ni Tolentino na sinang-ayunan rin ng POC General Assembly ang 2025 working budget na PHP35 million,na kung saan ay PHP8 million less than last year’s, dahil sa paris Olympics preparation at participation.
Inanunsyo rin ni Tolentino at kanyang secretarry general, lawyer Wharton Chan, na ang POC ay may PHP15 million savings nakaraang taon. (JEFF VENANCIO)