Advertisers

Advertisers

PRO-3 DIR. GEN. FAJARDO, KINALAMPAG SA ILIGAL NA SUGAL?

0 39

Advertisers

NANANATILING matatag ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang paninindigan laban sa anumang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.

Ayon ito kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, mula noon hanggang sa kasalukuyang administrasyon, ang magpapahintulot ng iligal na gawain sa kanilang hanay.

Sinabi ni Fajardo, maraming pulis na ang na-dismiss sa serbisyo, anuman ang kanilang ranggo.



Bahagi aniya ito ng patuloy na kampanya ng Pambansang Pulisya na linisin ang kanilang hanay at patatagin ang integridad ng kanilang organisasyon. Subalit lantad parin ang presensya ng iligal tulad ng sugal na “sakla” maging ang gabi-gabing sugal sa perya na “color games at drop ball” na inaabot ng madaling araw ang “gambling operation” na matatagpuan partikularsa basinidad ng Marquee Mall Angeles Pampanga, Barangay Tibag Baliwag, Barangay Poblacion Santa Maria, Barangay Tabon at Barangay Cutcut Pulilan, Bulacan na pag-aari diumano ng mga kilala at bigtime na gambling operators na alyas Fredie, Eddie, Rachel, Quiroz, Boknoy, Ricky at Louie.

Ayon sa reklamo hindi umano nagpapatinag sina Angeles Acting City Director PCol Joselito Villarosa, Baliwag chief of police PLtCol Jayson San Pedro, Santa Maria chief of police PLtCol Voltaire Rivera at Pulilan chief of police PLtCol Jerome Jay Ragonton sa babala ni Gen. Fajardo na nagbabawal sa mga pulis, na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa mga ilegalista partikular sa mga gambling operators.

Anila, mismong ang mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala at bumababoy sa Presidential Decree 1602 at Republic Act 9287.

Alam kaya ito ng mga nabanggit na PNP officials?
Matatandaan na parang nilamutak ang pagkatao noon ng ilang Police Generals na nakabase sa region 1, 2, 3 at 4 matapos ibunyag ng grupo ng mga peryante ang umanoy pangongotong sa kanila kaya ipinatawag sa Senado ang mga heneral upang pagpaliwanagin.

Binigyan diin ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil na kanyang kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng ilegal pero sadyang may mga pasaway na sumasalungat at hindi sumusunod sa kanyang utos sa paglaban sa lahat ng iligal at kriminalidad. Dahil hanggang ngayon talamak at lantad parin ang presensya ng mga saklaan at pergalan (perya-sugalan) sa lalawigan ng Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Bulacan at Tarlac na sakop ng region 3 central luzon.



Tutukan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.