Advertisers

Advertisers

Pero pananaw ni PBBM sa impeachment ‘di magbabago… OPINYON NI JPE SA INC RALLY IGINAGALANG NG PALASYO

0 24

Advertisers

PATULOY na itinataguyod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang kultura ng bukas na talakayan ng mga ideya sa loob ng kanyang gabinete.

Ito ang nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos magbalala si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ukol SA aniya’y posibleng napakasamang precedent na maaaring kaharapin ng bansa kung susundin ang lohikang ipinahiwatig sa ginanap na National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC) noong Lunes.

Sa isang post kasi sa social media, binigyang-diin ni Enrile ang kahalagahan ng pagsunod sa Konstitusyon at rule of law.



Tinanong din niya kung ang INC, kasama ang lahat ng mga miyembro nito, ay may kapangyarihang baguhin ang Konstitusyon o suspendihin ang anumang probisyon nito.

Paliwanag pa ni Enrile, ang impeachment ay isang proseso alinsunod sa Saligang Batas na naglalayong tanggalin sa pwesto ang isang opisyal ng gobyerno kung may sapat na batayan at ebidensya laban dito.

Bilang reaksiyon, iginiit naman ni Bersamin na mahalaga ang ganitong bukas na proseso upang mas mapagyaman ang paggawa ng mga polisiya.

Sa ganitong paraan, aniya, ang paggawa ng mga desisyon ay nalilinang mula sa masiglang palitan ng pananaw, karanasan, disiplina, at special expertise ng mga bumubuo ng gabinete.

Binanggit pa ni Bersamin na sa parehong diwa ng malayang pagpapahayag ng opinyon, nagbahagi aniya ng kanyang pananaw si Enrile sa isang mahalagang usapin.



Gayunpaman, nilinaw ni Bersamin na nananatiling matatag ang posisyon ni Pangulong Marcos kaugnay sa nasabing isyu. (Gilbert Perdez)