Advertisers
Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit, ang dalawang lalaki na sangkot sa illegal na transaksyon ng shabu sa Brgy. Lambakin Marilao, Bulacan.
Sa report na ipinadala ni PCapt. Joel De Leon, kay PNP Provincial Director PCol.Satur Ediong, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Jeric Hadela ,19; at alyas Manoy, 16, kapwa residente ng Brgy. Batia Bocaue, Bulacan.
Base sa paunang imbestigasyon nina Pat. Dela Cruz at Pat.Barrientos, ganap na 12:30 ng madaling araw, ng magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang higit isang gramo ng shabu at isang cal.38 revolver.
Samantala detenido ngayon ang dalawa sa Marilao Municipal Jail, sa kasong paglabag sa Sec.5,11 article 2 ng Republic Act 9165, at paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)