Advertisers

Advertisers

Ist Audition Ng Search For D’ Bodies Next Gen Ng WaterPlus Productions Dinagsa Ng Pretty, Sexy And Talented Young Girls; Intl Recording Artist Jules Graeser, Ginawan Ng Kanta Ni Iconic Star Of 60’s Stella Suarez Sr.

0 36

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SUMIKAT nang husto ang controversial All-Female Sexy Group na D’Bodies noong early 2000. Ang WaterPlus Productions ni Madam Mayora Marynette Gamboa ang may hawak noon sa D’ Bodies na aside sa recording na pinasikat ng grupo ang awiting “KILITI” ay ginawan pa sila ng movie.

Ngayon ay muling bubuhayin ng amiga naming si Madam Marynette ang D’ Bodies and this time ay katuwang na niya ang partner actor-director na si Efren Reyes Jr na nagdirek ng comeback produced movie nilang IDOL: THE LIFE STORY OF APRIL BOY REGINO na ipinalabas sa mga sinehan nationwide last November.



Yes, start na ang “SEARCH FOR D’ BODIES NEXT GEN!” At last Saturday ay dumagsa ang mga auditionees na pawang beauty, sexy young ladies na gustong mapabilang sa bagong grupo na ibi-build ng WaterPlus Productions.

And I’m feeling honored na ginawa kaming isa sa auditioners ni Madam Marynette na kinabibilangan din ni Madam Marynette, Direk Efren, Iconic composer Boy Cristopher, Obette Serrano, veteran movie director Arman Reyes, and my friend Pete Ampoloquio Jr. Well, may potential ang ilan sa mga nag-audition na ipinakita ang sexiness at galing sa pagkanta at hataw ng sayaw.

May kiyeme o hiya naman ang other auditionees. This time ay ibi-build up sila na mala-KPop group ng WaterPlus pero pangmasa pa rin dahil dito nakilala ang una at original na grupong D’ Bodies. Para sa mga gustong mag-audition, may 3 Sabado pang natitira at this Saturday, Jan 18 at 1:00 PM ay magsadya lang sa WaterPlus Production Studio, #108 Sct. Gandia QC na malapit sa Tomas Morato. Don’t forget to bring your material for your audition at kailangan ay aged 18 to 23 yrs old and with pleasing personality siyempre.

Before you audition, please send your Resume, Video Clips and Pictures (close up full body) to: waterplusproductionsinc@gmail.com and for inquiry, you may call-09524710026. Be prepared for your Live Audition. See you there, and Good luck!

***



VERY proud and honored ang Pinoy International Recording Artist and Talk Show host sa Los Angeles, California na si Jules Graeser para sa special single niya na itinuturing na masterpiece na “Minsan May Isang Awit.”

Bakit? Well ang Iconic Sexy Actress of 60’s lang naman na si Stella Suarez Sr (mother of Richard Gomez) ang sumulat o composed ng kantang ito for Jules. Parang sa ating mga local singers ay tanging si Jules lang ang ginawan ng kanta ni Ma’am Stella. At yung tunog ng Minsan May Isang Awit ay pwedeng gamiting themesong sa teleserye ng ABS-CBN at GMA.

At magiging themesong nga raw ito ng movie, ayon pa kay Jules na magiging busy na naman sa kanyang singing career at hosting sa TV at iba’t ibang events. Tapos may malaking surpresa pa si Jules sa kanyang fans and supporters na revival niya, sa unang hit song ni Concert King Martin Nievera. Tiyak na pag-uusapan ang kaibigan naming artist sa bonggang project niyang ito. Well, congrats and good luck always Jules Graser.