Advertisers
NADAKIP sa entrapment operation ang isang babae nang magbenta ng 11-araw na lalaking sanggol sa isang undercover agent sa Quezon City.
Arestado ang babae na miyembro ng isang Facebook group na nagsisilbing bentahan ng mga bata.
Isinailalim na sa inquest proceeding sa Department of Justice ang babae, at sinabing ipinabenta lamang sa kanya ang sanggol na anak ng kanyang kaklase.
Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang sanggol.
Muling ipinaalala ng IACAT sa publiko na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagbebenta ng kapwa tao, bata man o matanda, dahil ito ay isang uri ng ‘human trafficking’.
Kung may nababalitaang pagbebenta ng bata online, mag-report lamang sa IACAT 1343 hotline.