Advertisers
PANIBAGONG grupo ang naaresto ng mga awtoridad kaugnay sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na pinahinto na ng Pangulo Ferdinand Marcos Jr.
Umeksena muli ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC nang pangunahan nito ang pagsalakay sa hinihinalang maliit na POGO Hub sa lalawigan ng Cavite.
Umabot [daw] sa 29 na mga Singkit ang naaresto ng mga awtoridad kung saan nakumpiska ang mga kagamitan para sa ‘offshore gaming’ kabilang na rin ang ‘scamming devices’.
Subalit tila bago pa man iulat ang imbentaryo ng mga nahuli at nakumpiska ay mabilis naman inilabas sa eksena ang mga opisyal ng gobyerno sa naturang lugar hanggang sa Kapitolyo.
Mariin pang pinuri ng PAOCC ang opisyal ng gobyerno naturang lugar dahil talaga raw nagsusumbong ang mga ito kapag mayroon napansin na mga kahina-hinala sa kanilang lugar tulad ng POGOs.
Hindi tulad doon sa mga ibang lugar o lalawigan na sinalakay patungkol sa hinihinalang iligal na operasyon ng POGOs ay madalas nasasangkot ang mga opisyal ng gobyerno sa imbestigasyon.
Ipinakikita lamang na naging maganda ang administrasyon o pamamalakad ng mga opisyal sa lalawigan ng Cavite na lugar ng magkapatid na Remulla na ngayon ay mga kasalukuyang ‘Cabinet Secretary’ ng Pangulo.
Sinasabing malaking katarantaduhan lamang ang pagpapatigil sa POGOs sa ating bansa dahil pihadong ‘magmamantika’ ang mga nguso ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Naipakita na sa publiko ang lawak at laki ng salapi na umiikot sa operasyon na ito na ‘di hamak na malayong tinalo ang salapi sa iligal na sugal ng Jueteng, Online Sabong o maging ng ‘Pergalan’ bukod pa riyan ang ‘Putahan’.
Tanong: Napahinto ba ang iligal na operasyon ng Jueteng na ligal sana sa STL pero ibinalik pa rin sa iligal? Ng Online Sabong na dating ligal pero iligal na ngayon? Ng Pergalan? Tiyak na bagong ‘gatasan’ ang POGOs dahil sa pagiging iligal nito! Naglalaway na ang mga kawatan sa gobyerno tsk tsskkk tssk.
***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com