Advertisers
HALOS nasa 200 kandidato ang binawian o tinanggalan ng police security personnel ng Philippine National Police ( PNP) kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng mid-tern national at local elections sa Mayo 2025.
Ayon kay Brigadier General Jean Fajardo, PNP spokesperson, base sa datos na ibinigay ni BGen Nestor Babagay Jr. ng PSPG, hanggang noong Enero 12 ay umabot na sa 674 ang mga na-recall na protective security personnel mula sa PSPG. Sa bilang na ito ay 197 kandidato ang natangalan ng police bodyguards.
Aniya, sa 674 na na-recal, 197 mula sa mga kandidato, 445 sa government officials at 228 sa private individuals.
Sinabi ni Fajardo na ang mga na-recall na na-assign sa main office ng PSPG ay sasailalim sa training bago matapos ang election at pupuwede sila mai-deploy doon sa mga kinakailangan bigyan ng protective security. Sa mga naka-assign sa mga rehiyon, idi-distribute sila at gagamitin sila for election duties para karagdagang tauhan ng mga territorial police.
Sa mga may banta sa buhay, sinabi ni Fajardo na habang ang kanilang “application for certificate of exemption to avail non-security detail ay mayroon naman kapangyarihan ang PNP na mag-isyu ng temporary authority para makakuha ng security detail dahil hindi puwede ipagwalang bahala ang threats particularly sa mga kandidato kaya within 30 days, bibigyan sila ng temporary authority to avail para sa pangsamantalang security.”
Sabi pa ni Fajardo, sakaling maaprobahan ng Comelec ang kanilang certificate of exemption na 2 police body guard ang itatala at kung sakaling na-deny dahil sa iba’t-ibang dahilan, puwede silang mag-reapply kung nais nilang mag-avail ng service ng mga protection agent na mayroon lisensya at empleyado ng private agencies.(Mark Obleada)