Advertisers
LINGGO ng gabi pa lang unti-unting dumating ang mga tao. Lulan ng iba’t-ibang sasakyan, unti-unti nila sinakop ang kahabaan ng Roxas Boulevard, dala ang kanilang baon na pagkain at lalatagan. Maraming nanggaling sa malalayong lugar. Ang mga kasapi ng Iglesia ni Kristo (InK) ay nagpasyang nagpalipas ng magdamag sa makasaysayang lansangan.
Pagsapit ng umaga nagsimula ang parada para sa “kapayapaan.” Nagsimula ito sa parada ng mga kasapi na may tangan na mga placard hanggang humantong sila sa Quirino Grandstand. Opo mga giliw na tagasubaybay ng munting kolum ko masasabi natin na makasaysayan ang Enero 13, 2025. Ang mensahe ay “kapayapaan” at “pagkakaisa” umano.
Ngunit unti-unting lumiwanag ang agenda. Panawagan pala ito ng pagkakaisa laban sa pagpapatalsik kay Sara Duterte na nahaharap sa apat na impeachment complaints Kung saan umaalingawngaw sa panawagan ang mga boses ng mga maka-Duterteng politiko at kasapakat. “Rally For Peace?” Diretsahan tayo.
Ito ay Rally For The Peace Of Mind of Sara, the Dutertes and their supporters kung saan mga kasapakat ang INC na kinasangkapan ng trapo. Dahil alam natin na midterm elections sa Mayo. inililihis at binabago ng mga oportunista ang naratibo. Tuloy, sa pananaw ng marami ang pulitika sa Pilipinas ay bulok.
Kumikilos ang INK parang isang buhay na organismo. Ang disiplinang umiiral dito ay mahigpit at lahat ay nararapat na sumunod sa patakaran ng liderato. At ang organismong ito, sa kalimitan, may galaw ng isang kulto. Batid ng abang peryodistang ito na ang kapag umiral ang lahat ng ito malamang may pagka kulto ang isang samahan.
Sa isang kulto, lahat may presyo, hindi ka pwede tumanggi. Lahat ng pamunuan nasisilaw, lahat naantig sa kinang ng pilak, pilak pa, at kapangyarihan. Maaari makabili ng labindalawang piraso ng pilak ang lahat. Hindi na ito rally ng mga maka-diyos tulad ng kanilang sinasabi. Ito po ay naging rally ng maka-demonyo.
Kailangan ninyo ng pruweba? Ang anumang samahan na kumatig sa isang tulad ni Apollo Quibuloy ay kapanalig sa kadiliman; lahat ng kumakampi sa katulad ng isang trapong itatago natin sa ilalim ng pelukang may tatak na Rodente Marcoleta; ang sinumang kumakampi sa isang mamamatay-tao na katulad ni Digong at Sara ay kampon ng kasamaan.
Paumanhin lalo na sa mga pananampalataya ng kasapi sa Iglesia. Nasilaw ang inyong pamunuan ng matatamis na salita. Ginamit ang INC ng mga oportunista, mga kampon ng kadiliman, kaya, sa opinyon ko nawala ang basbas ni Poong Kabunian dito.
***
UMAALIGID na naman sa ating teritoryo ang dambuhalang barko ng bantay-dagat ng pulahang tsina na binansagan na “monster ship.” Lalong pinaiigting ng pulahang tsina ang pahihimasok nila sa ating teritoryo na lalong ikinababahala ng ating katihan, nag-aalala rin ang abang peryodistang ito dahil lumalala ang sitwasyon.
Para bagang ginagawang pangkaraniwan na ang ginagawa na ito ng pulahang tsina dahil layunin nila maging normal ang ganitong gawain nila. Dapat na tayo mabahala. Kawikaan ng mga pulahang insik ang mambully ng inaakala nilang mahina na katulad ng Republika ng Pilipinas. Iba ang kahinaan sa pagtitimpi, at ang mga pulahang tsino ay walang dito.
Tulad ng isang pangkaraniwang bully, alam lang nila sariling lakas, na sa katunayan, sa mata ng mundo ay kahinaan. Madali silang basahin kahit malaki pwersa nila ‘sing singkit ng kanilang mata ang talino nila. Sinabi ko na lumalala ng sitwasyon dahil gumagamit sila ng mga helicopter.
Ginawa na nila ito nang guluhin nila ang BFAR noong tnignan nila ang kalagayan ng nga bahurang tinambakan. Ang tanong ko saan nanggaling ang mga helicopter? Hindi ito galing sa mga bantay-karagatan ng ccg kundi mula sa mga barkong abo o gray ships ng chinese navy. Malinaw sa akin na ginagamit na ang chinese navy sa gawain nito.
Maliwanag na ang layunin nila na sakupin ang teritoryo natin. Mainam na batid na ito ng ating mga kapitbahay at kakampi tulad ng Estados Unidos. Nagsasagawa na rin sila ng kanilang patrulya sa mga sea lanes natin. Dumadami na ang nakaabat sa galaw ng pulahang tsina dahil maliwanag na pananalakay at pananakop ang ginagawa ang layunin nila.
Hindi maganda para sa pulahang tsina ang magkaroon ng maraming kaaway. Ang Republika ng Pilipinas ay mananatiling mahinahon at mapagtimpi. Kaya maging mapagmatyag. Maging maagap.