Interview Ni Toni Gonzaga Kina Vic, Coco At Piolo Kinaaliwan At Viral; Mayoral Candidate Super Mahra Tamondong, Nakiisa At Namigay Ng Pamatid Uhaw Sa Traslacion 2025
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ANG bongga ng pasok ng 2025 sa “TONI TALKS” ni Toni Gonzaga. Hayan at pinanood talaga ng milyun-milyong viewers ang one on one exclusive interview ni Toni kina Bossing Vic Sotto, Piolo Pascual at Coco Martin. Kasi naman ang edge ni Toni sa Toni Talks ay may mga istorya ng buhay nina Vic, Coco at Piolo na hindi pa naitatanong sa mga ito. Lahat ay dinivulge na ng tatlong big stars kay Toni. About Vic, nalaman ng publiko yung journey nito sa 50 years niyang pamamalagi sa showbiz. At ang views ng episode na ito ng Toni Talks, as of presstime ay humamig na ng 4.3M views and still counting. Si Piolo naman ay no holds barred din ang mga rebelasyon. Like nanligaw pala siya kay Toni noon pero hindi raw siya sinagot ng ating original Ultimate Multimedia Star. Tapos noong 2014 after nilang gawin ang blockbuster movie nila ni Toni sa Star Cinema na “Starting Over Again” ay gusto na niyang mag-quit sa showbiz pero nag-change of mind siya dahil mahal raw ng gwapong actor ang showbiz at ang trabaho.
Panalo rin ang views ng interbiyuhang ito nina Toni at Piolo na umabot na sa 2.9M views at patuloy sa pagdami. Kay Coco naman siya may pinakamakulay sa lahat ang buhay. Na dahil galing sa mahirap na pamilya ay nagdaan sa pagiging tricycle driver, dishwasher, waiter, janitor at caregiver sa Canada.
Tapos naging indie bold actor sa unang pelikula niyang “Masahista” ay nag-hubu’t hubad talaga. But look at him now, nariyan ang top rating at number one nationwide na action-drama series niyang “Batang Quiapo” at aside sa pagiging bidang actor ay director at producer na rin siya and entrepreneur na rin.
Ang saya nilang panoorin ni Toni na nagkukwento si Coco sa naging experience during the filming of “You’re My Boss” nila ni Toni noong 2015. Pinagda-dialogue siya ng English ni Direk Antoinette Jadaone. Tapos may isang scene sila ni Toni na kinuwento nitong totoong nakatulog talaga siya.
Nasa 1.2M views na ang episode na ito. At tulad ng Fast Talk With Boy Abunda ni Kuya Boy ay paboritong pick-apin at pag-usapan sa tabloids at social media ang mga interview ni Toni sa mga sikat na guest sa bawat episode ng show.
Madalas ding mag-viral ang kanyang Toni Talks na Road to 8 million na ang subscribers. Mapapanood ito sa official Youtube Channel ni Toni na TONI GONZAGA STUDIO (TGS).
In all fairness, maikukumpara ang Toni Talks ni Toni sa mga Holywood talk shows nina Oprah Winfrey, Ellen De Generes, etc.
***
SA mayoralty race sa Maynila, masasabing si Super Mahra Tamondong, na ang pinakamasipag sa lahat at halos araw-araw ay nasa kalsada sa iba’t ibang distrito ng Maynila para mamigay ng kanyang tulong o ayuda sa daang-daang residente na hindi nakaranas ng kaginhawaan sa kanilang mga naging alkalde mula pa noong panahon ng kopong-kopong hanggang sa kasalukuyan.
Kaya grabe ang tutok ni Super Mahra at ng kanyang team, sa kanilang Outreach Program na namimigay sila ng grocery, pagkain, wheelchair, pambili ng gamot, at kung anu-ano pa. At nitong Traslacion 2025 ni ITIM NA NAZARENO ay 6 AM pa lang ay nasa Quiapo na si Super Mahra at ang kanyang mga Councilors and Team para makiisa sa salubong kay Itim Na Nazareno at mamigay ng libu-libong bottled water na pamatid uhaw ng ating mga kababayan na nagmula pa sa iba’t ibang lugar. Napaka-importante ng tubig lalo’t siksikan talaga kapag ganitong okasyon.
Yes,ganyan kabait at kalaki ang puso ni Super Mahra sa kanyang kapwa. Bago ang kanyang sarili ay inuuna niya muna ang kapakanan ng mga ito. Kaya naman super blessed si Super Mahra sa kanyang kandidatura bilang Mayora sa Manila at nasa tabi niya ang lahat ng kanyang mga loyal supporters na bawa’t isa ay iboboto siya sa nalalapit na 2025 Midterm Election. Malaking bahagi o tulong at sumusuporta sa kanyang candidacy at campaign ay ang tulad niyang tunay na philantropist na si Sir Tony na kanyang inspirasyon. Good luck, my only one Mayora SUPER MAHRA TAMONDONG.