Advertisers
Ni Active archie liao
IBA’T iba ang naging reaksyon ng netizens sa kumalat na litrato ni Catriona Gray recently.
Sa photo, makikikita ang kaseksihan ng beauty queen while clad in a black swimwear.
Ang 2018 Miss Universe kasi ang endorser ng personalized, sustainable, at medically-supervised weight management program ng isang pamosong skin care clinic kaya mega reveal ang kanyang well-sculpted body.
Marami ang napahanga ng beauty queen sa kanyang sexy yet classy look.
May mga katkatera na ikinukumpara pa siya sa kapwa Ms. Universe na si Pia Wurtzbach.
May mga nagmamaldita namang nagsabing pinaglaway daw ni Cat ang dating boyfie na si Sam sa kanyang alindog.
Ito ang Ilan sa sey ng kibitzers.
“She’s classy at hindi bastusin.”
“hooooooot ??”
” If Pia set the bar high, Catriona sets it even higher.”
“Taas ng standards ni accla. Hirap sundan.”
“She’s a complete package. Beauty and brains.”
“Mas bet ko ang charm niya kesa kay Pia.”
“Siya lang naman ang sinayang ni Sam.”
“Simple lang siya pero ang ganda ni muning.”
“Sam left the room.”
“Mareng Cat, pinaglaway mo naman si Sam.”
“My kind of Miss Universe.”
Samantala, talking of Catriona, ang beauty queen ang isa sa mga nagpahayag ng concern nang maaksidente si Ada, ang kapatid ng kanyang ex na si Sam.
Bukod sa kanyang advocacies, si Cat ay napapanood at napapakinggan sa kanyang podcast kasama ang kanyang best friend at kapwa beauty queen na si Nicole Cordovez bilang co-host.