Advertisers

Advertisers

ANO NAPATUNAYAN NG PEACE RALI NG INC?

0 48

Advertisers

NOONG Lunes, inalis ng Meta ang aking kolum tungkol kay Sherwin Gatchalian. Tinalakay ko doon ang komento ni Gatchalian tungkol sa maaaring maging epekto ng peace rally ng InC sa mga pulitiko na magdedesisyon sa impeachment ni Misfit Sara. Dahil kampi si Gatchalian kay Misfit Sara, tinakot niya ang mga pulitiko na maaaring matalo sila sa halalan dahil iboboto umano ng mga mamamayan ang kanilang kalaban.

Opinyon ni Gatchalian iyon. Nagpahayag kami ng kontra opinyon na madalas ng inilaglag ang mga kandidatong dinadala ng InC ng mga mga kasapi ng ibang sekta tulad ng Ang Dating Daan, Jesus is Lord, Philippine Independent Church at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit sa huling oras inihayag ang kanilang mga sinusuportahang kandidato. Marami rin sa kandidatong dala ng InC ang natatalo. Hindi lahat nananalo.

Hindi ito nagustuhan ng mga tagasunod ni Gatchalian at kahit ang mga DdS. Inatake nila ang aking kolum at inalis ito ng Meta sa aking timeline. Hindi ako umangal dahil alam kong wala akong laban sa artificial intelligence (AI). Hindi makakapagbigay ng kontra opinyon sa AI ng Meta. Ang mahalaga ay hindi inalis ng aking pahayagan ang aking kolum. Nabasa ito ng maraming mamamayan dahil nanatili ito sa diyaryo ko.



Kung gusto ninyo na mabasa ang aking kolum, magpadala kayo ng pm at kalatas sa akin at bibigyan ko kayo ng link. Hindi ito problema sa akin. Teka, gusto ni Gatchalian na maging bise presidente siya ni Misfit Sara sa 2028. Pareho silang hindi mananalo.

***

DAHIL sa kasalatan ng kaalaman at pag-unawa, hindi nakuha ng tagapagsalita ng InC ang punto. Dahil sa kamangmangan at tiwaling doktrina, iba ang paliwanag ni Edwin Zapata, tagapagsalita ng InC kung bakit sinusuportahan nila si Misfit Sara. “Hindi tayo dapat unang bumato doon sa wala pa naman palang napapatunayan [na kasalanan],” aniya.

Kahit sa batas, pinaniniwalaan ng dinambong o ninakaw ang malaking halaga kung hindi ito naipaliwanag ng maayos ng hinihinalang magnanakaw. Wala siyang kawala sa batas. Dahil hindi ito naipaliwanag ni Misfit Sara, walang matwid ang InC na suportahan ang malditang anak ng tila nababaliw na si Gongdi. Iisa ang konklusyon: dinambong ito.

Ito ang problema sa InC. Sa pagtatapos ng rali para umano sa kapayapaan, hindi iyon maalaala at pag-uusapan ng maraming mamamayan. Makakalimutan ng ganap na minsan nagtipon ang pinagsamang kasapi ng InC at DdS, o ang mga tiwaling tagasuporta ni Gongdi at Misfit Sara. Tipong hindi ito naganap.



***

NAPULOT ko ito sa wall ng isang netizen na nangangalang Ivan. Kontra ito sa InC. Pakibasa:

ANG TUNAY NA IGLESIO NI CRISTO AY HINDI YUMAYAKAP SA DEMONYO, HINDI NAKIKINIG SA DEMONYO.

Fr. John Paul Sontillano, O.P tells the congregation at the famous Santo Domingo Church this Tuesday that one of the true marks of the TRUE Church of Christ is that it casts out the demonic and rejects the temptations of the Evil One.

Fr. Sontillano goes on to say that “the True Church, following the example and teaching of Her teacher, must cast the devil out.” and that if a religion teaches its followers to defend corrupt leaders – it’s a scam.

He concluded by exhorting Catholics to cast out the powers of the Devil in our everyday lives because those lies have no real power over the children of God.

“Thus we hate corruption because we love virtue.”

***

MAY announcement sa wall ni Sonny Trillanes, dating senador at kandidato sa pagka-alkalde ng Caloocan City. Tungkol ito sa pagdalo ng Magdalo Party List sa ilang pagkilos sa mga sumusunod na petsa:

Ituloy ang impeachment ni Sara!!!

The Magdalo Partylist will join the following pro-impeachment events:

Jan 16 at Edsa Shrine

Jan 18 at Edsa People Power Monument

Jan 31 Multi sectoral rally (venue to be announced later)

***

POST ko ito sa social media noong 2021. Pakibasa:

WHERE CREDIT IS DUE. When the PNOY government launched the construction of 17.5 km. Skyway 3 in 2014, traffic jams became the debilitating consequence almost in the entire Metro Manila. Commuters complained bitterly about how they came late to their work, or how they could not get a ride home. They cursed. They ranted. They were mad. Of course, their reactions were justified. Who would not want to go early in their work? Or go home on time to be with their families? They were legitimate grievances.

They showed their anger by voting for the madman in the 2016 presidential elections. By all means, their votes could be described as “tantrum votes,” or “boto ng mga barumbado.” They did not know that by avoiding the fire, they went to the frying pan. Now, Skyway 3 is open to the motoring public. One can go from SLEX to NLEX or vice versa in 30 minutes or less. What a big relief. Credit should go to PNoy, not to the madman. Plain and simple. Iyon lang.