Advertisers
Ni Beth Gelena
NAPUNO ng kilig ang Its Showtime studio sa pagbisita ng kasintahan ni Bela Padilla na si Norman Bay na isang Swiss.
Hindi maitago ang kilig ng It’s Showtime hosts at madlang Kapuso nang makilala nila ang surprise guest ni Bela sa studio.
Sa patok na segment na “And The Breadwinner Is,” nakisaya sa hulaan ang charming Swiss-Italian boyfriend ng aktres.
Kahit simple lang ang porma ng foreigner, kuhang-kuha nito ang puso ng audience dahil sa kanyang charming looks.
“Sana pinakilala mo ko Bela doon sa [jowa] mo,” biro ni Vice Ganda nang makita si Norman sa tabi.
“At tsaka sana sinabi mo halos pareho kami ng buhok.”
“Actually, tinerno ko nga kayong dalawa,” sagot ni Bela habang pinagmamasdan ang parehong hairstyle nina Vice at Norman.
Lumakas ang tilian ng madlang audience nang pinapunta si Norman on stage. Hindi rin mapigilan ni Bela ngumiti habang nahihiya rin ito sa kantiyawan ng mga host sa kanila.
“Hi Norman! Nice to meet you. My name is Anne Curtis,” patawang pagpapakilala ni Vice.
“Hoy! Hindi totoo iyan!” sigaw ni Bela.
“Hindi naman niya alam, sige na,” pakiusap ni Vice. ” Oh sige, mag ki-Kim Chiu na lang ako. Hi I’m Kim Chiu.”
Marami ang napa- “aaww” nang kinausap na ni Vice si Norman bilang matalik na kaibigan ni Bela.
“I really heard a lot of things about you, wonderful things about you. As Bela’s friend, I’m very happy to meet you and I’m very happy that Bela found you,” pakli ni Vice.
“That’s super sweet. Thank you,” masayang sagot ni Norman.
Sinabi ni Bela na nanonood ng It’s Showtime ang Swiss boyfriend.
Lalo pa nang sabihin ni Bela dahil kay Vice kaya nanonood ang boyfriend
Kinilig ang Unkabogable Star.
“He watches Showtime on time,” ipinagmalaki ni Bela.
“Really? Thank you very much. Why? Because of Bela? Even if Bela is not here, please watch It’s Showtime.”
“Because of you, (Vice)” hirit ni Norman.
“Because of me? Well, I get that a lot but..” sinabi ni Vice habang kinikilig.
Nakipagkulitan din ang Swiss-Italian guest na kasama ang iba pang mga host.
Sinubukan nya rin kumain ng authentic Pinoy street food kagaya ng isaw.
Kahit hindi niya maintindihan karamihan sa sinasabi ng breadwinnerables sa programa, tinulungan pa din niya si Klea Pineda na hulaan ang totoong breadwinner na street food vendor.
***
CHARO SANTOS BINIDA ANG BTS NG LABAN NILA KAY OLGA
KINAALIWAN ng netizens si Charo Santos sa kanyang binahaging BTS (behind the scenes) nya sa Batang Quiapo.
Aniya, “Ang hirap maging lola ng bida.”
Kasama ni Charo sa eksena si Cherry Pie Picache bilang Marites, nakikipaglaban sila laban sa mga tauhan ni Olga (Irma Adlawan). Kamakailan lang ay nagpaalam na sa serye ang karakter ni Olga.
Umani ng maraming reaksyon mula sa mga tagasubaybay ng serye ang post ni Ms Santos.
Sa caption ng video, isinulat niya rin ang, “POV: Nagpa-check up ka lang, napalaban ka pa sa kampon ni Olga,” na lalong nagbigay aliw sa mga manonood.
***
WALA umanong sama ng loob si Vic Sotto sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap, ang Pepsi Paloma Story.
Nagsampa na kasi ng 19 na kasong cyber libel ang Eat Bulaga host sa direktor na si Darryl Yap dahil nasama ang kanyang name sa trailer ng pelikula ng kontrobersiyal na direktor.
Aniya, walang sinuman mula sa produksiyon ng pelikulang TROPP ang kumonsulta o nagpaalam sa kanya tungkol sa proyekto.
Nilinaw niyang wala siyang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula at tinawag niya itong “trabaho lang.” Inihain ni Vic ang 19 na kasong cyber libel laban kay Yap matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa teaser ng pelikula.
Umaasa si Vic sa suporta ng kanyang pamilya at sinabing kayang-kaya niyang harapin ang isyung ito.
Ilan sa mga tampok na bituin sa pelikula ay sina Gina Alajar, Shamaine Buencamino, Mon Confiado, at Rosanna Roces, habang ginagampanan naman ni Rhed Bustamante ang papel ni Pepsi Paloma.
Samantala, hindi pa nare-review ang nasabing pelkula ng MTRCB na pinamumunuan ng anak ni Tito Sotto, si Lala Sotto.
Pagbubulgar ni Gladys Reyes na di sinasadyang nakasabay namin sa wake ng mister ni Dina Bonnevie the other night, natanong namin sa kanya ang isyu between Vic at Darryl.
Aniya: “ang alam ko hindi pa yan dumadaan sa MTRCB. Pero once na nareview na nila at binigyan ng Rating na X ay baka iapela nila sa amin sa Malakanyang.
Ang aktres ay itinalaga ng gobyerno bilang appointed ng office of the President as member of the Appeals Committee of MTRCB.
Siya ang magre-represent ng tungkol sa industriya
Dati nang MTRCB board member si Gladys noong panahon na si Senator Grace Poe ang chairwoman. At ngayon na lang siya muli nabigyan ng appointment.
Kahit may konektado ang appointment ni Gladys sa MTRCB ay hindi siya sa office makikipag-meeting kundi may opisina siya sa loob ng Malakanyang.
Ang mga X rated na binibigay ng MTRCB na hindi talaga nakakapasa sa kanilang panlasa ay pwede raw iapela sa kanilang opisina.
Kumbaga second opinion but if may mga hindi talaga karapat dapat mapanood in public ay eekisan din daw nila ito at hindi tuluyang mapapanood.