Advertisers

Advertisers

Pagbabago sa housing policy sa Maynila, inutos ni Mayor Honey

0 21

Advertisers

INUTOS ni Mayor Honey Lacuna ang pagbabago sa housing policy sa Maynila kung saan ang awardees ay magiging pag-aari na ang units na kanilang hinihilugan sa pamamagitan ng rent-to-own system, ‘di tulad noong nakaraang administrasyon na kailangan mong maghulog ng habambuhay, pero di Naman mapapasaiyo ang unit.

SINA Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at 5th district Congressman Irwin Tieng (ika-apat, ikalima at ika-anim mula sa kanan) matapos pangunahan ang inagurasyon ng new Pedro Gil super health center na nasa Pedro Gil Residences. Kabilang din sa ribbon cutting (kaliwa) Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at (mula sa kanan) Dr. Rosanna Milan, Councilor Bel Isip at Councilor Charry Ortega. (JERRY S. TAN)

Sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng Pedro Gil Residences, inanunsyo ni Lacuna na hiniling na niya sa Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo at Kay Manila Urban Settlements Office (MUSO) head Atty. Dave de Guzman na lumikha ng bagong sistema para sa housing units ng lungsod.



Sa ilalim ng dating administrasyon ni dating Mayor Isko Moreno, ang awardees ay pawang mga ‘assignees’ lamang na walang kalatupasang magbabayad buwan-buwan nang walang posibilidad na magiging kanila ang unit pagdating ng araw.

Mga kawani ng Manila City Hall ang mga unang benepisyaryo ng kauna-unahang rent-to-own public low-cost na mga condo units kung saan ang mga awardees ay napili sa pamamagitan ng public raffle. Nabatid na ang buwang upa ang nasa pagitan ng P2,000 hanggang P3,000 kada buwan at pagkatapos ng itinakdang bilang ng taon ng pagbabayad ng unit, ia-award na sa kanila ang titulo ng condo unit.

“Kung dati ay habang buhay kayong magbabayad ng renta, simula ngayon, ang inyong buwan-buwang hinuhulugan, hindi na po pawang renta lang habang buhay. Ito po ay magiging pabahay na RENT-TO-OWN,” pahayag ng alkalde.

Sinabi ni City Engineer Moises Alcantara na ang 20-storey condo building ay may 299 residential units, 143 parking slots, five commercial spaces, five elevator units, swimming pool, fitness room, function room, roof deck at parehong may indoor at outdoor activity areas.

Kasabay nito, binuksan din sa publiko ang super health center sa nasabi ring gusali kasama si Congressman Irwin Tieng na nangako na tutulong sa pagbibigay ng mga kailangang medical equipments .



Pinasalamatan ni Lacuna si Tieng sa kanyang all-out support at sinabing walang imposible kung ang national government at local government ay magkasama at nagtutulungan.

Ang nasabing public health center ay kumpleto at mayroon itong libreng serbisyo tulad ng laboratory, ECG, ultrasound at portable x-ray, at iba pa. Mayroon ding silid para sa dental care at minor surgeries.

“Bilang isang doktor, prayoridad natin ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan. Ninais nating ayusin, palakasin at pag-ibayuhin ang mga serbisyo ng ating mga health centers, kabilang na nga itong Pedro Gil Health Center. Mas marami na itong serbisyong maibibigay sa atin tulad ng basic laboratory services, ecg at ultrasound sa mga buntis. Dito na makukuha ang maintenance medicines ng mga lolo at lola natin,” saad pa ni Lacuna.

Idinagdag pa nito na:”Maibibigay ng Pedro Gil Health Center ang epektibo at episyenteng pagpapatupad ng universal health care. Tiniyak din natin na mayroon itong License to Operate at ang disenyo ay naaayon sa pamantayan ng Department of Health para sa primary health care provider facility.” (ANDI GARCIA)