Advertisers
NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang 22-anyos na babae nang saluhin ang mga saksak mula sa ka-live in na para sana sa kabit nito nang mahuli silang magkapatong sa kama sa loob ng barracks sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite.
Ang biktima na nagtamo ng limang saksak sa tiyan na kanyang ikinasawi ay kinilalang si alyas “Marivic”, stay-in sa construction site, kungsaan din nagtatrabaho ang kalaguyo.
Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng barracks sa construction site sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way, Barangay Salitran 2.
Nabatid na nagising ang salarin na si alyas Joseph, 26, construction worker, stay-in din sa nasabing construction site, at hinanap nito ang ka-live-in.
Sa kanyang pag-iikot, napansin nito ang tsinelas ng ka-live-in sa labas ng barracks ng kasamahan sa trabaho na si alyas Ryan, at sa kanyang pagpasok ay bumulaga sa kaniya na nakapatong ang kinakasama sa huli.
Sa tindi ng galit, kinuha nito ang patalim na nakasiksik sa bewang at inundayan ng saksak si Ryan, subalit humarang ang biktima kaya ito ang sumalo sa sunod sunod na saksak ng ka-live-in.
Itinakbo sa Medical Center Imus ang biktima, subali’t binawian din ito ng buhay.