Advertisers
SASAILALIM sa lifestyle check ang mga pulis na nasangkot sa malakihang huli sa iligal na droga na kinasangkutan ng ilang malalaking police officials.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na sa sandaling umusad na ang kasong kriminal laban sa mga akusadong pulis ay papasok ang Anti-money Laundering Council (AMLC) upang tingnan ang mga account ng mga ito sa bangko.
Sinabi ni Remulla na mula sa 1.5 tonelada ng shabu na nasamsam sa anti-drug operations, nawawala ang 400 kilos na pinaniniwalaang pinagparte-partehan ng “ninja cops”.
“I think after the criminal proceedings, criminal charges will be filed, then AMLC will be enjoined to investigate them also, after criminal cases have been filed and established. That will include AMLC accounts which leads to their lifestyle checks,” saad ni Remulla.
Batay sa natuklasan ng DILG at National Police Commission (NAPOLCOM) sa kanilang imbestigasyon, kapag may malakihang huli sa iligal na droga, maliit na bahagi lamang nito ang ipapakita sa kanilang report at ang natira ay itatabi, ilalagay sa bodega at nagtatakipan sa kanilang mga ginagawa.
Naging practice aniya ito ng ninja cops kaya panahon na para habulin ang lahat ng ninja cops na ginagawang negosyo ang kanilang nahuhuling iligal na droga.
“It seems that it became sa standard procedure ng ilang elements ng PNP na nagkaroon ng drug haul, i-report ang kaunti, ibubudega ang marami,” diin ni Remulla.