Advertisers

Advertisers

JayFer pamalit sa JaDine

0 30

Advertisers

Ni Archie Liao

MAY bagong love team na ipinakikila ang Viva na mapapanood na sa streaming platform ngayong Enero.

Ito ay ang tambalang “JayFer” nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.



JayFer ang pangalan ng kanilang tandem dahil hango ito sa kanilang mga karakter sa Viva One series na “Ang Mutya ng Section E.”

Sa nasabing kilig serye na halaw sa isang Wattpad series, ginagampanan ni Andres ang papel ni Keifer, ang class president ng Section E na magkakaroon ng away-bati na relasyon kay Jay-Jay, isang transfer student na binibigyang buhay ni Ashtine.

Sa nabanggit na “University” series, mai-in love naman si Jay-jay kay Keifer.

Ang “Mutya ng Section E” ay ikalawang acting project ni Andres na nabinyagan sa sitcom na “Da Pers Family.”

Idinidirehe ito ni Ted Boborol na siya ring direktor ng matagumpay na seryeng “The Rain in Espana” at ng teen-oriented series na “Zoomers.”



Base naman sa feedback ng pilot nito kamakailan, marami agad ang kinilig sa panibagong tambalan nina Muhlach at Olviga.

Ito ang ilan sa komento ng kafaneyan nang pag-usapan sila sa isang portal.

“In fairness, bagay sila. Kinikilig ako.”

“Siya ang pamalit ng Viva sa JaDine.”

“Andres has the matinee idol looks of his father. Si Ashtine, she can be groomed as heir apparent kay Nadine.”

“Reminds me of JaDine sa “Diary ng Pangit” and “Talk Back and You’re Dead.”

“They’re oozing with star appeal.”

***
Pokwang ibinida ang pagiging lola

IBINIDA ni Pokwang ang kanyang pagiging proud lola.

Ito ay nang maging panauhin siya ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk.

Sey niya, masaya raw siya at sobrang blessed sa pagiging grandma sa kanyang cute at matalinong apo sa kanyang anak na si Mae.

Nabanggit din niya na hindi siya nagalit nang malaman niyang buntis ang anak niya noong panahon ng pandemya.

Nabuntis daw ito bago pa man lumipad ng New York para magtrabaho.

Ani Pokwang, “Tito Boy, may apo na ‘ko. I’m a lola and it’s another blessing.” Habang nagkukuwento, hindi naman napigilan ng comedienne na maiyak.

Ayon pa sa kanya, ang apo niya ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto pa niyang humaba ang kanyang buhay.

Pagbabahagi pa niya, “Mamita” raw ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo, ngunit “Mommy Gay” ang naitawag nito.

As a grandma,maituturing daw na doting lola siya sa kanyang apo.