Advertisers

Advertisers

‘Doble plaka’ no more! Mga motorsiklo ibabalik na sa single-plate

0 9

Advertisers

INAPRUBAHAN ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng panukalang batas na nag-aamyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act o kilala bilang Doble Plaka Law.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na miyembro ng bicameral panel na hindi na kakailanganin ng panukalang batas na maglagay ng dalawang plaka sa mga motorsiklo.

“The main provision is that ‘yung doble plaka, isa na lang po. Kasi… we have about 9 million backlog. Mabuti nang lahat may plaka kesa dalawa nga e hindi maibigay,” ani Ejercito.



“I think in terms of crime prevention, all that’s more important is all motor vehicles, specifically motorcycles, will have their plate numbers,” saad pa niya.

Tinanggal din sa pinal na bersyon ng panukalang batas ang Radio Frequency Identification (RFID) sticker requirement para sa mga motorsiklo.

Ang Republic Act 11235 ay nilagdaan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng batas na pigilan ang paggamit ng mga motorsiklo sa mga krimen sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malalaking plaka at iba pang mga identification mark.

Nangako naman ang Land Transportation Office (LTO) na sa Hunyo ngayong taon ay burado na ang backlog na siyam na milyon sa mga plaka. (Mylene Alfonso)