Advertisers

Advertisers

Dapat ba tumigil ang Kamara sa impeach-Sara dahil sa INC rally?

0 2,449

Advertisers

MASUSUKAT ngayon ang tatag ng Kamara o ng mga kongresista na nagsusulong para patalsikin ang anila’y napakatiwali at taksil sa publiko na Bise Presidente ng bansa, si Sara Duterte-Carpio, anak ng dating pangulo (Rody Duterte) na nagbaon sa utang at sumira sa relasyon ng Pilipinas sa malalaking bansa sa loob ng termino nito.

Ito’y matapos magsagawa ng malaking “national rally for peace” sa Luneta, Manila ang Iglesia Ni Cristo (INC), na nanawagan sa sambayanang Filipino na itigil ang pagpapa-impeach kay VP Sara at sa halip ay magkaisa para resolbahin ang “napakalaking problema ng bansa,” sabi ng Evangelist ng INC.

Sinabi ng Evangelist, ang pagpapatalsik kay VP Sara ay isa lamang politikal. Dapat aniyang ihinto na ito tulad ng naging panawagan ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na isantabi ang impeachment laban sa pangalawang pangulo ng bansa at sa halip ay tutukan ang mga proyektong makabuluhan para sa taumbayan at sa ekonomiya ng bansa.



Si VP Sara ay nahaharap sa tatlo hanggang apat na impeachments complaints dahil sa umano’y mga maling paglustay este paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepED) na pinamunuan niya rin ng dalawang taon, kungsaan nabunyag sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa Commission on Audit (CoA) na napunta lamang sa mga “multong” benepisyaryo ang naturang confi funds (P612.65 million), at nabuking din ang mga overpriced na upa sa napakaraming satellite offices ng OVP na ngayon lamang nangyari sa termino ni Sara.

Nakasaad sa impeachments complaints sa ang mga reklamong panunuhol, pangungulimbat, pagtataksil sa pagtitiwala ng publiko at marami pang high crimes.

Ang mga reklamong ito laban kay VP Sara ay bunga ng mga nabunyag sa pagdinig ng House Quad Committee.

Sa masusing pagbusisi ng Quad Comm nabunyag din na ang ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon ng ama ni VP Sara ay “peke”. Ang mga itinumba raw ay maliliit na tulak ng iligal na droga, mga kalaban sa politika, at mga kakompetensiya lamang ng dabarkads ng Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa resolution ng Quad Comm sa illegal drugs, sinabing namayagpag ang mga kaibigang Intsik ni ex-President Duterte sa illegal drugs tulad nina Michael Yang, Peter Lim, Sammy Uy, Richard Chen, at marami pa.



Si Yang, isang Chinese national, ay naging economic adviser pa ni Duterte kahit labag sa Saligang Batas na magkaroon ng isang banyagang opisyal sa pamahalaan.

Si Peter Lim naman ay “kumpare” ni Duterte na labas-pasok noon sa Tanggapan ng Pangulo.

Ang dalawang Intsik na ito ay parehong nakumpirma sa mga imbestigasyon ng Quad Comm na mga sangkot sa kalakalalan ng iligal na droga sa bansa pati na sa POGO at Pharmally noong pandemya ng covid-19.

Balik tayo sa pagpapatalsik kay VP Sara. Matapos magpakita ng puwersa ang INC sa Luneta at iba pang panig ng bansa nitong Lunes at mawagan na itigil ang impeachment laban kay VP Sara ay malaking tanong ngayon kung itutuloy pa ba ng mga kongresista ang pagpapatalsik sa lustay na pangalawang pangulo?

Kung sina dating Senador Antonio Trillanes at Leile de Lima at Makabayan bloc ang tatanungin, dapat ituloy ang impeachment laban kay VP Sara. Hindi aniya dapat hayaan lang at isantabi ang mga paglabag sa batas na ginawa ng pangalawang pangulo.

Sina Trillanes at De Lima ay kapwa nakaranas ng matinding panggigipit noong termino ng ama ni VP Sara. Nakulong pa nga ng higit 6 years si De Lima matapos gawan ng mga tahi-tahing kaso ng illegal drugs.

Lahat ng kaso ni De Lima ay nadismis matapos ang termino ni Digong. Subaybayan!