Advertisers
UMABOT sa 73 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P8.7 milyon ang nasabat ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office I at Philippine National Police (PNP) Region 1 sa isang abandonadong sasakyan sa Santol, La Union.
Kinilala ni PDEA RO 1 Director Joel B Plaza ang mga suspek na nag-abandona sa sasakyan na sina Felmen Day-os Aliles Jr. alyas “Dondon” at Amado Paycao alyas “Amado A. Gante Jr.”, kapwa residente ng Barangay Sasaba, Santol, na parehong at-large.
Ayon kay Plaza, isinailalim sa land interdiction ang mga suspek noong Enero 10, 2025 ngunit nakaramdaman ang mga ito na may mga operatibang nag-aabang sa kanila kaya’t iniwan ang kanilang sasakyan, na binantayan ng PDEA operatives nang ilang araw hanggang sa makakuha ng search warrant.
Nang bukasan ang abandonadong sasakyan (Mitsubishi Delica) 11:00 ng umaga ng January 13, nakita ang 73 piraso ng rolyo ng dahon ng marijuana. (Jimmy Mendoza)