Advertisers
ISANG dating Overseas Filipino worker ang gumawa ng kasaysayan bilang pinakabatang Pinay at unang bumisita sa lahat ng 195 United Nations-recognized na mga bansa gamit lamang ang Philippine passport.
Si Kach Medina Umandap, isang 36-anyos na nagtrabaho bilang Quality assurance supervisor sa Kuwaiti hospital bago nag-resign noong 2013 at isa ring Digital Nomad, ang dumating noong Martes, Enero 14,2024 sa NAIA Terminal 2 matapos ang kanyang pambihirang paglalakbay na natapos noong Enero 7, 2025, sa Port Sudan, Africa.
Pagdating sa airport, sinalubong siya ng kanyang ama na si Dok Chie Umandap, dati ring OFW at kasalukuyang Chairman ng 116 AKO-OFW Partylist, kung saan ang tagumpay ng anak ay nagmamarka ng isang makabuluhang milestone para sa mga Pilipino sa pandaigdigang paglalakbay.
Ang Sudan, na sarado sa turismo sa loob ng dalawang taon dahil sa ‘civil war’ ay muling binuksan ang mga pinto nito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng pag-isyu ng mga tourist visa.
Dahil sa pagbisita ni Umandap, isa siya sa mga unang manlalakbay na tuklasin ang Port Sudan, isang itinalagang safe zone, sa mga unang hakbang nito tungo sa pagbawi ng turismo. Bago umuwi sa Pilipinas, siya ay nagtungo sa Dubai at naghahanda na bumalik sa bansa para ipagdiwang ang kanyang groundbreaking achievement. “
“Standing here today, having set foot in all 195 countries, is a testament to the power of dreams and perseverance. This journey was never just about counting countries—it was about building connections, embracing diverse cultures, and celebrating the shared humanity that binds us all,” sabi ni Umandap
Dagdag ng pinay ‘adventurer’ na pagkatapos nang mahabang panahon na pamamalagi sa ibat-ibang bansa ay pinaplano naman nitong galugarin ang ilang magagandang lugar dito sa Pilipinas .
Samantala,kinumpirma ng Nomad Mania na isa Kach Umandap sa 500 travelers na nakalibot na sa buong mundo. (JOJO SADIWA)