Advertisers

Advertisers

SEC. REMULLA, DIR. SANTIAGO, GEN. MARBIL INUTIL VS PAIHI SA BATANGAS CITY!

0 1,361

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

BAGSAK ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa mga opisyales na mga tamad, ‘di nagtatrabaho at ‘di ginagawa ang kanilang mandato.Walang konkretong aksyon sa kaliwa’t kanang korapsyon kahit saang departamento ng gobyerno kaya tuloy ang pananabotahe sa kanya ng mga korap nitong opisyales.

Sinabi ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na nagkalat “lima singko” ang appointees ng Pangulo na hindi kumikilos upang masolusyunan ang hitik at nag-uumapaw ang kailegalan sa Region 4A partikular sa Batangas tulad ng STL bookies o jueteng, pergalan (peryang sugalan), sakla na karamihan front pa ng bentahan ng droga, pati na ang oil and petroleum pilferage o paihi/buriki na pagnanakaw ng petroleum products tulad ng krudo, gasolina, gas kasama na ang napakadelikadong highly combustible A1 jet fuel mula sa iba’t ibang petroleum at oil depots sa naturang lalawigan.



Sa Batangas City ay lantaran ang operasyon ng tatlong sin-dikato ng paihi/buriki. Ang mga ito ay ang pinatatakbo nina “Rico Mendoza”, “Etring Payat”, “Efren” at “Balita”.

Ang grupo nina Mendoza, Etring Payat at Efren ay may mga paihian/burikian sa Barangay Banaba West Bypass Road malapit sa Integrated School na kahilira ng UC Gasoline Station, at sa Brgy. Banaba South Bypass Road sa tapat ng Toyota Cars Parking Area.

Si Balita naman ay nagkukuta sa Brgy. Simlong, sa compound ng isang beach resort ngunit hindi pinahuhuli ni Batangas PNP provincial director Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit chief Colonel Eme-rick Sibalo, at CIDG provincial officer Lt Col. Jake Barila.

Ang ipinagtataka ng MKKB, malinaw na hindi ginagawa nina Malinao Jr., Sibalo at Barila ang kanilang trabaho sapagkat imbes na hulihin ay tila kinukunsinti pa ang mga paihi/buriki operation sa kanilang area of responsibility (AOR).

Liban sa operasyon ng economic saboteurs, talamak din ang operasyon ng mahigit sa 100 STL bookies sa buong lalawigan ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na nagkakanlong sa kunwari ay legal na Authorized Agent Corporation (AAC) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).



Hayag sa kapulisan lalo na kina Malinao Jr. at sa kanyang mga police chief, CIDG at kanilang mga operatiba at National Bureau of Investigation (NBI) agents kung sino-sino ang mga bookies operator. Iisa ang lehitimo at pansamantalang PCSO/AAC sa Batangas, ito ay ang Refresh Gaming Corporation.

Kinilala ng MKKB ang mga STL bookies maintainer at nagpapanggap na AAC ng PCSO sa Batangas na grupo ng Big 4: alyas Kap Boyet, Fernan at 35 iba pa sa Lipa City; Ocampo, Dimapiles, alyas Jr. Biscocho, Baduy, Ablao, alyas Kon Burgos, Lawin, Montilla, Elnice, Cristy, Imelda, Rodel, magtukayong Gerry at 30 iba pa sa Tanauan City.

Si Ocampo, na nagpapatakbo din ng limang saklaan sa nasabing siyudad kasama na ang nasa Brgy. Bagbag, ay nagpapakilala pang tong kolektor ng milyones na intelhencia para sa pangalan ng mga opisina nina Tanauan City Mayor Sonny Collantes at Police Chief LtCol. at iba pang police at mga government official mula sa kapwa nito bookies operator.

Ang iba pang STL bookies at sakla operators sa Batangas ay sina Tisoy at Nonit na may anim na taon nang nag-o-operate ng mga ilegal na sugal sa 18 barangays ng Padre Garcia at layla-yang barangays ng Rosario at Lipa City, at tatlong saklaan sa bayan ni Mayor Celsa Braga Rivera.

Gasgas ang pangalan ni Batangas gubernatorial candidate Michael Rivera sa kabalbalan ng drug pusher ding sina Tisoy at Nonit na nagpapakilalang lider ni Michael na talunang kandidatong party list representative noong 2022 election.

Kabilang din sa mga notorious na STL bookies operator con shabu dealer ay sina alyas Ricalde ng Lemery at San Luis; Jap o Hapon, Leo, Kap Ogie na sakla operator din at Noche ng Bala-yan; Wally ng Sto. Tomas City; Willy Bokbok na bukod sa sakla maintainer ay operator ng anim na saklaan at drug pusher din ng Nasugbu; alyas JR Biscocho ng Calaca; Triple J ng Lian; Allan ng Bauan at Calatagan; alyas Kap Broce at alyas Encarnacion ng Laurel; Ocampo, Deo at Jeff ng Balete; Janog, Nestor, Baduy at Lito ng Malvar; konsehal Utoy ng Batangas City; Kap Nelson ng San Juan na siya ring operator ng STL bookies sa mga bayan ng Sariaya at San Antonio, Quezon Province.

Ang pergalista na kilala ding drug pusher sa Batangas ay sina alyas Yoly ng Mataas na Kahoy; Malou ng Brgy. Payapa at Mataas na Lupa; Boyet sa Brgy. Pansol; Padre Garcia at marami pang iba.

Sinabi ng MKKB na bilang PNP Chief, dapat alam ni Gen. Marbil na hindi sinusunod nina Col. Malinao, Col. Sibalo at LtCol. Barila ang kanilang mandato kaya dapat ay matanggal na ang mga ito sa puwesto at ipalit ang mga opisyales na karapat-dapat.

Gayundin bilang kalihim ng DILG ay mandato ni Sec. Remulla na bantayan nito ang PNP.

Walang magagawa sina Gen. Marbil, Col. Malinao Jr., Col. Sibalo at LtCol. Barila kung sila ay sisibakin ni Sec. Remulla dahil hindi nila ginagawa ang kanilang tungkulin.

Si National Bureau of Investigation Dir. Jaime Santiago ay tila hindi rin ginagawa ang sinumpaang res-ponsibilidad pagkat hindi rin ipinahuhuli ang mga ilegalistang buriki/paihi operator sa Batangas City at ang sangkaterbang vices operators sa 29 bayan at 5 lungsod sa naturang lalawigan.