Advertisers
DINEKLARA ng Korte Suprema na ang kawalan ng campaign funds para sa nationwide campaign ng isang individual ay hindi masasabing isang nuisance candidate.
Sa En Banc decision na ipinahayag noong July 30, 2024, sinabi ng kataas-taasang hukuman na ang Commission on Elections ay nakagawa ng “grave abuse of discretion” nang ideklarang si Juan Juan Ollesca ay nuisance candidate para sa presidente noong 2022 national elections.
Ipinakaloob ng korte ang ‘petition for certiorari’ na isinampa ni Ollesca at pinawalang-bisa ang Comelec resolution na nagkansela sa kanyang certificate of candidacy.
“Unfortunately, in this case, in declaring petitioner as a nuisance candidate, the COMELEC simply relied on a general and sweeping allegation of petitioner’s financial incapability to mount a decent and viable campaign, which is a prohibited property requirement,” saad ng court sa decision na pinirmahan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Sa kanyang apela sa Comelec pagkatapos ng petition sa Supreme Court, ipinunto ni Ollesca na ang kawalan ng sapat na financial capacity na magsagawa ng nationwide campaign para i-disqualify ay unconstitutional.
Sinabi ni Ollesca sa korte na mayroon siyang kapasidad na magsagawa ng kampanya dahil mayroon siyang pledges mula sa iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kanyang kandidatura.
Ang sagot naman ng poll body, ang petition ay dapat ibasura dahil sa pagiging ‘moot and academic’ dahil ang mga balota noon ay naimprinta na.
“From the foregoing, it appears that the COMELEC has the propensity to employ a ‘cookie-cutter motion’ that generally alleges a candidate’s lack of financial capacity to wage a national campaign in an attempt to shift the burden of proving bona fide intent to run for public office upon said candidate,” saad ng Korte Suprema.
Bnigyang diin ng korte na ang nuisance candidate ay ang taong gumagawa ng paglito o pangungutya sa proseso ng eleksyon.
“A candidate without the machinery of a political party or the finances to mount a nationwide campaign cannot be lumped together with another candidate who was found to have mocked or caused disrepute to the election process,” paliwanag ng korte.
Sa 177 kandidato na sinasabing nuisance sa 2025 polls dahil sa kawalan ng pondo, walang dineklarang nuisance ang Comelec.
“Nag-a-agree po tayo sa Kataas taasang Hukuman sapagkat ang kahirapan ay hindi dapat kadahilanan para hindi payagang makatakbo ang isang kandidato. Sapagkat tatandaan natin walang property qualification para maglingkod sa pamahalaan and therefore bawal na bawal na magdi-disqualify ang Comelec bilang isang nuisance dahil lang sa kahirapan,” pagsang-ayon ni Garcia.