Advertisers

Advertisers

RD NG PNP REGION 1 SABIT NGA BA SA GAMBLING PAYOLA?

0 16

Advertisers

Pahirap sa intelihensiya at garapal kung makahingi ng goodwill sa mga peryante.

Nanumbalik ang reklamo ng grupo ng peryante sa laki ng hinihingi ng mga kupal na nagpapakilalang kolektor ng R2, RSOU, CIDG, at NAPOLCOM. Itong sina CASTRO, DE VERA at PONGA , na sinasabing may basbas mismo ni Regional Director (RD) PBGEN. LOU EVANGELISTA.

Ayon sa ating source,umaabot ng PHP 5milyon kada buwan ang kuha nitong mga kupal na ito, depende sa dami ng puwestong pinapayagan gaya sa San Carlos City, Pangasinan.



Ganun?

Naka-lagum daw kasi ang mga sugalan dito nila Alvin, Gemma, Boyet sa bawat barangay ng siyudad kasama din umano ang mga color games at drop ball sa loob ng sabungan.

Isang siyudad palang ‘yan sa isang probinsya sa sakop ni RD Gen. Evangelista, kung bibilangin natin kung ilang bayan meron sa isang probinsiya, tiyak na magugulat kayo sa resulta pag intelihensiya ang pag uusapan.

44 municipalities and 4 cities ang Pangasinan, mapapa-wow ka nga kung PHP 5milyon kada buwan ang kinokota ng 3 kupal na kolektor na ito sa lungsod ng San Carlos pa lamang.

Hindi pa po kasama dyan ang ilang bayan sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte.



Mukhang kailangan magpa- lifestyle check si DILG Sec. Jonvic Remulla sa ating mga kapulisan specially sa Region 1.

Mukhang magkakaroon ng part 2 ang paglapit ng grupo ng mga peryante sa Senado kung hindi matitigil ang mga abusadong kolektor na ito.

Alam kaya talaga ni Gen. Evangelista ang tungkol sa kinokolekta ng 3 kupal na ito?, gaya ng pinagmamalaki nilang direktang inaabot nila kay Gen.Evangelista at sa 34 na opisyal ng unit na nakapaloob diro.

Aksyon mo po Gen. Evangelista ang magsasalita kung may katotohanan ang mga ito o wala.

Hindi naman siguro puwedeng mas matibay sayo ang acting chief of police na si PLTCOL. Eleazar Edolmo, para hindi mo mapatigil ang mga sugalan sa San Carlos City.

Isabay mo na din ang 3 kupal na nagpapakilalang kolektor mo na kumakaladkad at sumisira sa malinis mong pangalan, Sir.

Maging patas tayo mga sir, walang kukunin ang kolektor kung walang ilegal na sugal sa inyong area of responsibility.

Stop all illegal gambling in Region 1.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com