Advertisers

Advertisers

Mas kailangan ang INC rali kontra korapsyon at political dynasty

0 3,801

Advertisers

NAIPAKITA nitong Lunes ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanilang puwersa sa buong bansa.

Milyon talaga ang dumalo sa kanilang inorganisang “National Rally of Peace” sa National Capital Region (NCR) na ginawa sa Luneta. Manyila.

Sa tantiya ng mga awtoridad nasa 2 milyon ang bilang ng mga nasa Luneta. Nagmula ang mga ito sa Cavite, Quezon, tarlac, Bueva Ecija at Zambales.



Sa mga ulat mula sa Visayas at Mindanao, daan-daang libo rin daw ang dumalo sa Davao City, gayundin sa Cebu City, Iloilo City, Tacloban City.

Totoo naman talaga na milyon ang bilang ng nagkakaisang INC. Kaya nga nililigawan sila ng mga politiko dahil block voting sila. Kung sino ang mga inindorso ng kanilang pamunuan, yun ang iboboto nila. Yan ang INC…

Unlike sa ibang sekta, na kahit milyon din ang miembro, hindi nag-iindorso ng kandidato ang lider.

Ang Katoliko, halimbawa, higit 90 milyon ang bilang sa bansa, pero hindi nag-iindorso ang mga opisyal nito. Ang tanging inihahabilin sa mga botante ay “magboto ng tamang kandidato”.

Kaya iba sa lahat ng religions ang INC, sumusunod sila kung ano ang dikta ng kanilang lider. Kaya naman takot sa kanila ang mga politiko. Kasi nga malaking kawalan sa kanilang boto ‘pag hindi sila dinala ng INC. Mismo!



Dahil sa pagkakaisa ng INC, malaki ang naitutulong nila sa pagluklok sa mga politiko partikular sa mga senador at lider ng bansa.

Sabi nga… siguro kapag nagrali ang INC laban sa political dynasty, tiyak maliligwak itong mga mag-aanak na politiko.

At kapag nagrali ang INC laban sa mga kandidato na may mga isyu o bahid ng korapsyon, malamang wala nang makakapuwestong mga politiko na nahaharap sa mga kasong katiwalian at kriminalidad. Mismo!

Teka, ano kaya kung maghalal tayo ng isang lider na INC? Mawala kaya ang mga korap na politiko at mga opisyal sa pamahalaan??? Wish ko lang!!!

***

Nanawagan nitong Lunes si ex-President Rody “Digong” Duterte sa mga “peace-loving Filipino” na mag-join daw sa National Rally of Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Hindi yata alam ni Digong na exclusive lamang sa INC members ang organisadong rally nationwide. Ayaw ng pamunuan ng kapatiran na mahaluan ng ibang grupo ang kanilang rally para sa pagkakaisa at kaayusan ng gobyerno.

Ang buong akala yata ni Digong ang rally ng INC ay para suportahan ang kanyang anak, Vice President Sara Duterte-Carpio, na nahaharap sa tatlo hanggang apat na impeachments complaints sa Kamara dahil sa mga nabunyag na katiwalian nito sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na umabot sa mahigit P612 milyon!

Ayon sa pahayag ng INC, ang rally nila ay para suportahan ang panawagan ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr, na ‘wag nang pag-aksayahan ng panahon ang pagpapatalsik kay Vice President Duterte dahil “waste of time” lang daw ito at hindi importante si Sara.

Si VP Sara at ilan niyang opisyal sa OVP at DepEd na pinamunuan niya ng 2 taon ay nahaharap din sa mga kasong Plunder, Bribery, Graft at iba pang heinous crimes.

Lahat nang ito ay nabunyag sa masusing pag-iimbestiga ng House Quad Committee.

Ang impeachment complaints vs VP Sara ay nakatakdang talakayin ngayong linggo, pagbalik ng mga kongresista mula sa Christmas vacation. Abangan!