Liza at ex-manager ng Careless, huling naghahalikan sa resto sa NY; Bini Aiah rason ng hiwalayang JakBie?
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SPOTTED daw sina Liza Soberano at dating manager ng Careless na si Jeffrey Oh na nagki-kiss sa isang restaurant sa New York kasama pa ang isang couple.
Maraming faney nina Liza at Enrique Gil ang umaasang karelasyon pa rin ng una ang huli. Kaya gulat sila sa balitang ito.
Pero hindi alam ng karamihan na matagal na palang hiwalay ang LizQuen. Actually, nagsalita na ang aktres tungkol dito, pero dineny ni Enrique na hiwalay na sila.
Pero hindi maitatago ang katotohanang mas nauna pa pala silang naghiwalay kesa kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
October of 2022 pa raw hiwalay ang LizQuen, samantalang 2023 naman ang KatNiel.
Marami naman ang naawa sa aktor at nanghinayang dahil sa tagal ng relasyon ng dalawa ay nauwi rin pala sa hiwalayan. Una rin daw nakahanap ng kapalit si Liza samantalang si Enrique ay matagal din bago nagdesisyon na balikan ang showbiz at single pa rin ngayon.
***
NAKITA na magkasama ang isa sa mga miyembro ng P-pop girl na si BINI Aiah Arceta at si Jak Roberto.
Base sa Instagram story na in-uoload ng dalaga nitong Biyernes, January 10 ay sumubok ang dalaga na mag-scuba diving bago ito lumipad patungong Egypt.
Caption niya,”That time when I went Scuba diving for the first time and just hours before my flight to Egypt haha.”
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang naturang IG story ng dalaga.
May nang-iintriga na may something sa pagitan ng dalawa lalo na’t nitong nagdaang linggo lang nang aminin ni Barbie Forteza na tuluyan na silang naghiwalay ni Jak matapos ang pitong taong pagsasama.
Nag-aalala naman ang mga faney ni Aiah na baka madamay ito sa hiwalayang JakBie, at sabihing siya ang third party.