Advertisers

Advertisers

LAGUNA PNP AT BIÑAN CITY MAYOR “KUNSINTIDOR” SA SUGAL ? (PART-3)

0 31

Advertisers

TAPOS na ang pasko, bagong taon at 3-kings pero patuloy pa ring namamayagpag ang mga iligal na sugal sa Biñan, Laguna sa kabila ng babala na kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng ilegal na sugal ay mayroon pa ring ilang pasaway na sumasalungat at hindi sumusunod sa utos ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil.

Ayon sa direktiba, nag-aabang umano na ang mabigat na parusa sa mga police official na nagpapabaya sa kanilang trabaho sa paglaban sa lahat ng iligal at kriminalidad sa kanilang areas of responsibility (AoR).

Pero base sa classified info na natanggap ng PITAK na ito, hindi umano natitinag ang Laguna PNP provincial director PCOL GAUVIN MEL Y. UNOS sa babala ni Marbil maging ang hepe ng siyudad na si PLTCOL ROBERT RONGAVILLA at hindi rin natitinag si Biñan Mayor Arman Atty. Walfredo “Arman” R. Dimaguila Jr. maging ang mga Kapitan ng Barangay sa ‘marching order’ ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, LGUs at pulis, na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa mga ilegalista partikular sa mga gambling lord/operators.



Dahil kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibilidad at ang mabigat na pananagutan, kaya ang mga chief of police, provincial at regional director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato na “police service” ay may pananagutan batay na rin sa doktrina ng command responsibility.

Kung may pagkukulang at pagpapabaya sa kanilang tungkulin sina Col Unos at PLtCol Rongavilla dahil sa di pag-aksyon ng mga ito laban sa “gambling queen” na alyas Judith na nagmamantini ng mga perya na may sandamakmak na sugal na “color games at drop ball” sa may Biñan Elementary School ng Barangay Sto Dominggo, Barangay Sto Thomas at Barangay Timbao ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.

Kung totoong nagpapabaya ang provincial director at hepe ng kapulisan ng lungsod na walang kakayahang supilin ang iligal na sugal na itinuturing na notoryus kung saan marami na ang nabubuang at naging adik sa sugal, ay wala na sigurong karapatang manatili pa sa kanilang pwesto dahil nakahihiya ito.

Matatandaang sa naging pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling lords at sa mga protector nito, ay wala pang nakukulong kahit lantad ang presensya ng sugal particular ang probinsiyang kinakatawan ni Fernandez tulad ng Laguna.

“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act (RA) 9287, ang tanong sa PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Immigration), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling meron na ba tayong naipakulong?” tanong ni Fernandez.



Ipinaliwanag din ng Kongresista na base sa nasabing batas na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Abril 2, 2024, ang mga mananaya ay maaaring maipakulong ng hanggang tatlong buwan habang 10 taong pagkabilanggo sa mga kolektor.

Walong taong pagkabilanggo naman sa mga staff ng mga gambling operation at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.

Makukulong naman ng hanggang 12 taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na pasugalan; hanggang 14 taon naman sa mga financier at kapitalista at 20 taon sa kanilang mga protector sa gobyerno.

Kapag public official’s aniya, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.

Gayunpaman, dalawang dekada na aniya ang nasabing batas ngunit wala pang gambling lords/operators na naipakukulong sa kabila ng pag-amyenda sa PD 1602 na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal.

Sa manifestation naman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nais nito na hindi lamang ang mga ilegal na sugal sa CALABARZON ang dapat imbestigahan kundi sa buong bansa kaya ipinatawag nito ang lahat ng regional director ng PNP para sa nasabing imbestigasyon.

Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.

Subaybayan natin ito!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.