Advertisers
HALOS hindi mahulogang-karayom ang dami ng nakilahok sa ‘Nationwide Peace Rally’ ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand nitong Lunes, Enero 13.
Sa report, Lunes ng umaga, umabot na sa 1.6 milyon ang sumama sa nasabing religious activity bilang suporta laban sa pagsisikap na alisin sa gobyerno at i-impeach si Vice President Sara Duterte.
Linggo pa lamang ng hapon ay may mga nagtungo na sa Quirino Grandstand partikular sa Rizal Park upang magpalipas ng gabi para sa gagawing aktibidad nitong Lunes.
Nagmula pa sa iba’t ibang lugar ang mga kasapi ng INC upang makiisa sa pambansang kilos.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao, nagtalaga ang Manila Police District (MPD) ng higit 500 personnel para sa maayos at payapang aktibidad.
Naobserbahan din ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maynila partikular sa Quiapo at kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang Navotas City dahil sa nakaparadang mga sasakyan na service ng mga nakiisa sa aktibidad.(Jocelyn Tabangcura)