Advertisers
HINDI ganap na naiintindihan ni Sherwin Gatchalian (hindi ko maatim na tawagin senador ang mapagpanggap na mambabatas na ito dahil bumabaligtad ang tiyan ko) ang usapin ng impeachment complaint laban kay Misfit Sara. Sa isang pahayag noong Sabado, sinabi ni Gatchalian na “mapipilitan” ang mga pulitiko na “timbangin” ang kanilang pasya sa mga reklamong impeachment na inihain ng ibat’ibang grupo laban sa maingay na malditang anak ng dating pangulo.
Obyus na kampi si Gatchalian kay Misfit Sara na lumustay ng P612-M na confidential fund, ngunit ayaw ipaliwanag kung bakit at saan dinala ang salapi ng bayan. Hindi namin alam kung bakit kampi si Gatchalian kay Misfit Sara pero naniniwala kami ng palaging nagsasama ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Hindi namin sinasabi ng mandarambong si Gatchalian sa kaban ng bayan. Problema niya kung maramdamin siya.
Ayon kay Gatchalian, kailangan kilalanin ng bawat pulitiko ang kakaibang kakayahan ng INC na impluwensyahan ang bawat halalan. Dahil dito, kailangan makuha ng pulitiko ang suporta ng INC upang manaig sa halalan. Kakaiba ang katwiran ni Gatchalian. Bukod sa kulang sa lohika, hindi niya ganap na naiintindihan ang political dynamics ng halalan.
Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, mayroon kasapian ang INC na abot sa tinatayang 2.8 milyon. Batay ito sa opisyal na datos. Sinabi ng PDI na hindi malinaw kung ilan sa kanila ang registered voter. Pero binanggit ng PDI na kaugalian ng INC ang isinusukang “block voting.”
Inihahalal ng mga kasapi ang mga kandidatong inirerekomenda suportahan ng pamunuan ng sekta sa bawat halalan. Ang balita ay mistulang isang kawan ng uto-utong tupa kung sumunod ang mga kasapi sa sekta ng kanilang lider. Wala ng esep-esep. Bata ibinoboto nila ang mga kandidatong isinubo sa kanila ng kanilang pinuno.
Alam ni Gatchalian ang kahinaan ng mga kongresista at iba pang pulitiko na sangkot sa reklamong impeachment laban kay Misfit Sara. May mga pagkakataon na nagkakatalo ang halalan sa ilang distrito pang-Kongreso sa ilang daan boto kung totoong mahigpitan. Maaaring manggaling ang boto sa mga kasapi ng INC.
Ang hindi alam ni Gatchalian ay hindi ganoon ang palaging nangyayari. Hindi ganoon ang kapangyarihan ng INC dahil kinokontra ng ibang sekta ang mga kandidatong dinadala ng INC. Sa sandaling nalaman ng mga kasapi ng ibang sekta tulad ng Ang Dating Daan, Jesus is Lord, Philippine Independent Church, at iba pang maliliit na sekta ang mga kandidatong dinala ng INC, kanilang ibinoboto ang kalabang kandidato. Hindi nila inihahalal ang kandidato ng INC dahil bahagi ito ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala sa relihiyon.
Lalabas na tabla-tabla lang dahil halos magkahalintulad ang bilang ng mga kasapi ng INC sa bilang ng mga kasapi ng Ang Dating Daan, Jesus Is Lord, Philippine Independent Church, at iba pang sekta. Huwag tayong paloloko sa ipinagmamagaling ng iba na maimpluwensiya ang INC. Sa panaginip lang nila iyan.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit sa huling oras ipinahahayag ng pamunuan ng INC ang mga kandidatong sinusuportahan nila. Takot sila na matapatan at tuluyan matalo ang mga kandidato dinadala nila sa halalan at mabisto na walang ganoong lakas at kapangyarihan ang INC. Talo si Gatchalian sa ganyang katotohanan na totoong hindi niya alam.
Isa si Gatchalian sa mga pulitiko na naniniwala na ”makapangyarihan” ang INC. Hindi ito totoo. Mahinang klase si Gatchalian – pipitsugin at patapon, sa maikli. Mahilig lang siya magpanggap na “magaling” siya. Tulad na palagi kong sinasabi, nawala ang reputasyon ng Senado bilang isang kapulungan na pinamumugaran ng mga magaling at marunong.
Ngayon, institusyon ito ng mga mahihina ng mga walang itinatagong galing dahil nasa kanila ang mga bobo. Tanging si Risa lang ang maasahan. Tulad ng sinasabi ko palagi. Mas maigi kung tutunawin na lang ang Senado dahil wala itong silbi sa sambayanan.
***
POST ko ito sa social media:
THREE REPARTEES …
In meeting President Charles de Gaulle in John F. Kennedy’s state visit to France, wife Jackie Kennedy told de Gaulle: “You may not know it, but my grandfather is a Frenchman.” Amused by Jackie’s unsolicited info, de Gaulle replied, “so am I.”
In a fit of rage, Lady Astor told British Prime Minister Winston Churchill, “if you were my husband, I will poison you.” Amused by her admonition, Churchill replied: “Lady, if you were my wife, I will take the poison by myself.”
When John F. Kennedy offered the defense portfolio to Robert McNamara, an Irish American, the latter was about to refuse and told JFK that he was not qualified. JFK cut him off and said: “So am I.”
***
MGA PILING SALITA: “Ang tanong, sino baa ng nanggugulo sa ating bansa at kailangan ninyong mag prayer rally for peace?” – Rafael Naluz Sioc, netizen, kritiko.