Advertisers

Advertisers

Astig na basketball, volleyball players tatanggap ng PSA special awards

0 8

Advertisers

Philippine Basketball Association (PBA) star June Mar Fajardo, collegiate standout Kevin Quiambao, at volleyball star Jia Morado-De Guzman ay tatanggap ng special awards sa panahon ng Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa The Manila Hotel grand ballroom sa Enero 27.

Fajardo at Quiambao ay makakatanggap ng Mr. Basketball (pro and amateur) awards, habang ang 5-foot-7 setter Morado-De Guzman ay tatanggap ng Ms. Volleyball award.

Carlos Yulo, na nagbigay sa bansa ng kauna-unahang Olympic double gold sa Paris Games, ay pararangalan na 2024 Athlete of the Year.



Ang 6-foot-10 Fajardo ay tumanggap ng Mr.Basketball honor ilang beses sa nakaraan, habang si Quiambao at De Guzman ay makakuha ng award sa unang pagkakataon.

Nakamit ni Fajardo ang kanyang ikawalong PBA Most Valuable Player (MVP) nakaraang taon habang pinamunuan ang San Miguel sa back-to-back finals stint, kabilang ang Commissioner’s Cup.

Naging miyembro siya ng Gilas Pilipinas national team na umabot sa FIBA Olympic Qualifying Tournament semifinal sa Riga, Latvia.

Ang 6-foot-7 Quiambao ay nasungkit ang MVP honors nang pamunuan ang De La Salle sa back-to-back University Athletic Association of the Philippines finals appearances. Ang Gilas pool member ay sumabak sa FIBA Olympic at Asia Cup qualifiers.

Dating Ateneo standout De Guzman pinamunuan ang Alas Pilipinas sa bronze medal finishes sa SEA Women’s V. League series nakamit ang Best Setter trophy sa Asian Women’s Volleyball Challenge Cup.



Ang dating winners sa special awards ay sina Scottie Thompson, Arwind Santos, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Thirdy Ravena, Mark Caguioa, at iba pa, kabilang ang volleybelles Alyssa Valdez, Mika Reyes, Dawn Macandili, Jaja Santiago, Sisi Rondina, at Tots Carlos.

Ang traditional awards night ng pinakamatandang media organization ng bansa ay co-presented ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.

Ang ceremony ay suportado rin ng Philippine Sports Commission at POC.