Advertisers

Advertisers

PBBM NAGPAHAYAG NG PAKIKIRAMAY SA WILDFIRE VICTIMS

0 7

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga biktima ng mapaminsalang wildfire na sumiklab sa Southern California.

Sa isang kalatas na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), ipinaaabot ni PBBM na hangad niya ang mabilis na pagbangon ng mga apektadong komunidad na puno ng lakas, malasakit, at pagkakaisa.

Pinaalalahanan din niya ang mga ito na manatiling ligtas at mapagmatyag.



Ang Southern California ay kilalang tahanan ng humigit-kumulang dalawang milyong Pilipino habang mahigit tatlong milyon naman ang naninirahan sa buong estado ng California. (Gilbert Perdez)