Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBIGAY ng snippets si Kim Chiu ang kanyang mga kaganapan sa tatlong araw na inilagi nila ni Paulo Avelino sa Dubai.
Ipinakita niya ang kanilang paghahanda bago um-attend sa kanilang mediacon, meet and greet at iba pang ganap para sa The Filipino Channel.
Sa vlog niya, makikita rin ang pagsho-shopping nila sa isang mall ng kanyang “My Love Will Make You Disappear” costar bilang parte ng kanilang rest and recreation.
Humirit pa ang Chinita actress kay Pau na ang card nito ang gagamitin na hindi naman pinahindian ng huli.
Marami ring pinakilig na kafaneyan nang bilhan ni Paulo ng sunglasses ang aktres.
Nagpasalamat pa si Kim sa partner at sinabi naman ni Paulo na maliit na bagay lang daw ang ginawa niyang pabor sa kanyang rumored sweetheart.
Nagpakundisyon din sila sa pamamagitan ng pagsasama nila sa 10 kilometer run.
Sa naturang YouTube channel, nagbahagi rin ang aktres ng video kung paano niya ginayakan si Pau.
Si Kim kasi ang nagsilbing makeup artist ng loveteam partner na ikinakilig naman ng netizens.
Kinabiliban naman ng netizens ang tapang ni Kim nang sumalang siya sa skydiving na matatagpuan sa Dubai Marina.
Nag-share rin ang “It’s Showtime” host ng kanyang bonding moments sa brother na si William na dinalaw siya sa nasabing siyudad sa United Arab Emirates.
Ito naman ang ilang komento ng kibitzers sa kanyang bagong video na in-upload sa kanyang channel.
“Di ko pa tapos pero may ghaddd Yun ” mag shopping Tayo, card mo gagamitin ha, Sige “that so sweet kimpau”
“Ang sweet ng pagka Sabi card MO gagamitin ha.. Segi Ahhhh”
“So binilhan si kim ni Pau ng sunglasses ang cute”
“As sweet as sugar cane ang magjowang KimPau in Dubai?????????”
“Ang galing mag make up natatawa si Sir Pau, walang magawa sa kanyang chinita sunod lang talaga sya kung ano gawin sa kanya, i fairness lalo pomogi si Mr. Right ??”
“Tama nga sila. Galante talaga etong si Pau”
“Dito mo makikita na in reality di clingy si Kimmy pero love talaga nila ang isat isa”
“Love it kimmy. Grabe yung isang Paulo ang galanti card daw gagamitin sa shopping..sana ol..hihi”
“Kinikilig ako sa Shopping tayo at Ako na make up artist mo. ???????? #KimPau”
***
“Wicked: Sing Along” nakatanggap ng PG; Apat na iba pang pelikula ngayong unang linggo ng 2025, nabigyan
ng R-13 ng MTRCB
TULOY pa rin ang kantahan at madyik sa “Wicked: Sing Along” na tumanggap ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sa PG, puwede itong panoorin ng mga batang edad 12 pababa kasama ng magulang o nakatatanda.
Bida sa pelikula sina global superstar Ariana Grande bilang Glinda at multi-awarded artist na si Cynthia Erivo bilang Elphaba.
Mapapakinggan at masasabayan ng mga manonood ang mga pumatok na kanta tulad ng “Defying Gravity,” “The Wizard and I,” at “Popular.”
Swak naman sa mga naghahanap ng aksyon at pakikipagsapalaran ang animated film na “Attack on Titan: The Last Attack,” mula sa Pioneer Films. Ito’y rated R-13 (Restricted-13) at para sa mga edad 13 pataas.
Rated R-13 din ang Thai comedy-horror na “Rider” na pinagbibidahan ni Mario Maurer.
Maging ang “Dominion of Darkness” na tungkol sa eksorsismo at ang American action-crime-drama na “Den of Thieves 2: Pantera,” ay kapwa nabigyan ng R-13, dahil sa tema, lenggwahe at katatakutan.
Samantala, dahil sa matinding panawagan ng publiko, iniurong hanggang Enero 14, 2025 ang 10 pelikula na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.
Patuloy namang hinikayat ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang publiko na suportahan ang mga lokal at internasyunal na pelikulang palabas ngayong linggo.
“Lubos po ang aking pasasalamat sa pamilyang Pilipino sa kanilang pagsuporta sa industriya ng pelikulang Pilipino,” sabi ni Chair Sotto-Antonio. “Ngayong 2025, ipinapaalala natin sa mga magulang at guardian na maging aktibo sa paggabay sa panonood ng mga bata at ipaliwanag ang mga eksenang posibleng makaapekto sa kanilang murang kaisipan.”