Advertisers

Advertisers

Pagpasa ng Animal Welfare Bill, muling isinulong sa Senado

0 11

Advertisers

DAHIL patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang pag-abuso sa mga hayop, ipinangako ni Senadora Grace Poe na gagawin niya ang lahat para maipasa ang Animal Welfare Bill.

“Harrowing cases of animal cruelty pop up in the news and on social media, but too often, the abusers go unpunished,” diin ni Poe.

“We need a more comprehensive and tougher law that will not only give perpetrators a slap on the wrist. Let’s make this happen in this Congress,” wika pa ni Poe, chairman ng Senate Finance Committee.



Nauna nang naghain si Poe ng Senate Bill No. 2458 na layuning amiyendahan ang 26-taon nang Animal Welfare law, kung saan hihigpitan nito ang mga standard, tataas ang mga multa at ang pagbuo ng isang Barangay Animal Welfare Task Force.

Panahon na aniya para ipasa ang naturang panukala lalo na’t magtatapos na ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo ng kasalukuyang taon.

Hindi dapat aniya ipinagsasawalang bahala ang pag-abuso sa mga alagang hayop dahil talamak pa rin ito hanggang ngayon.

Nabatid na may mga ulat na sinunog ng isang lalaki ang isang aso na pinaghihinalaang kinagat ang isang manok.

Sa isang viral video, makikita naman ang pusa na itinali at kinaladkad ng isang tricycle. (Mylene Alfonso)