Advertisers

Advertisers

Pagpaliban sa Barangay election prayoridad sa Senado – Sen. Tol

0 32

Advertisers

INIHAYAG nitong Biyernes ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na ang panukala na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections nitong 2025 ay kabilang sa mga prayoridad na matalakay sa pagbabalik ng sesyon sa Senado sa ngayong linggo.

Ayon sa kanya, kasama rin sa mga prayoridad ay ang panukala para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang panukalang pagtaas sa pension differentials ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ang panukalang maamyendahan ang Baguio City charter.

Sinabi pa ni Tolentino na ang panukalang ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay lumusot na sa bicameral conference.