Advertisers

Advertisers

P442K shabu, nasamsam sa Caloocan

0 9

Advertisers

NASA mahigit P400 k  halaga ng shabu ang nasabat sa isang ginang na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang malambat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD)  Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang suspek na si alyas “Tita”, 45, ng Quezon City.
Naaresto ang suspek 9:47 ng umaga sa Galler Subdivision, Brgy. 141 ng lungsod at ang nasa 65 grams ng shabu na may katumbas na halagang P442,000 at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)