Advertisers

Advertisers

NAKURYENTE TAYO

0 31

Advertisers

PALAISIPAN sa maliit na mamamahayag na ito kung saan pumupulot ng lohika itong si Chairman George Erwin Garcia ng Cmmission on Elections (Comelec). Maraming mararangal na nais manilbihan bilang lingkodbayan, ngunit sa sistema ngayon ng Comelec, tila ang nakakalusot sa matanglawin nilang pananaw ay ang mga taong hindi kanais-nais.

Pinahihintulutang tumakbo sa halalan ang mga taong hindi kanais-nais ang pagkatao, iyong mga dapat nasasala nila. Walang isyu sa akin kung ang mga taong ito ay sinisiraan lang. Subalit sa mga katulad ni Quibuloy? Pasensya na po ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi sila karapat-dapat tumakbo sa halalan.

Ang Comelec ay embudo kung saan dumadaan ang bawat gustong manungkulan bilang lingcod bayan. Nalulungkot ang inyong abang-lingkod na tila nayuyurak ito at pinabalewala, lalo na ngayon sa ilalim ng pamamahala ni George Garcia.



Hindi isyu sa inyong abang lingkod kung ano ang pinanggalingan ng kandidato dahil nasa mamamayang botante ang pasya kung sila ay mahalal. Ngunit hindi tama na pahintulutan na tumakbo ang isang katulad ni Apollo Quibuloy na isang pusakal na wanted ng FBI. Isaksak niyo sa kukote niyo Comelec at mga masususing botante na ang taong ito ay nakakulong dahil sa rape, qualified human trafficking at money laundering.

Dahil sa desisyong patakbuhin si Quibuloy nalalagay tuloy sa alanganin ang integridad ng isang institusyon na katulad ng Comelec. Isang institusyon na salaan ng mga magiging lingcod bayan ng bansa. Gumuho na ang paninindigan at nawala ang moralidad nito.

Diretsuhan tayo; sira ang reputasyon ng Comelec dahil sa ginawa ng dating administrasyon ng serial-killer president. Isa siyang anay na nilagay upang pahinain ang haligi ng institusyon ng Comelec.

***

NAKATATAKOT isipin na ang National Grid Corporation of the Philippines ay kontrolado ng State Grid Corporation of China (SGCC). Ito ay taliwas sa isinasaad ng ating Saligang Batas na mariing pinagbabawal ang pagmamay-ari ng mga banyaga sa mga kumpanya sa Pilipinas lalo na sa power at utilities companies. Tama na kinuwestiyon ni Rep. Joey Salceda kung paano biglang nakapasok ang China Grid Corpoation sa NGCP?



Opo mga giliw kong tagabasa, dapat tayo mabagabag at mag-alala. Ang China Grid Corporation ay pag-aari ng pulahang tsina at ibig sabihin nito pinasok na ng pulahang tsina ang ating power sector. Isipin niyo, ano ang pipigil sa pulahang tsina na gamitin ito upang supilin tayo? Hindi malayong mangyari ito, dahil nakasalaksak na ang paa nila sa pinto.

Nakakatakot isipin na pag nagkaroon ng sigalot ang Pilipinas at pulahang tsina, ang una nilang sasalakayin ay ang power grid natin. Sa ngayon nagiging mas mahigpit ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at pulahang tsina na nakikita natin sa paglala ng situwasyon sa West Philippine Sea. Bakit nakapasok ang mga tsino sa ating power grid? Sino ang pasimuno? Bukod dito kikita ang China Grid Corporation ng dibidendo! Paano nangyari ito?

Ito ay nangyari sa panahon ng dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo. Bagi itatag ang NGCPang pamamahala ng power transmission system ay nasa ilalim ng National Transmission Corporation o TRANSCO. Sila ang namamahala ng lahat ng pagdala ng kuryente mula sa mga planta parungo sa mga distribution utilities katulad ng Meralco atbp, sa buong bansa. Noong 2001 itinatag ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA, upang i-restructure ang power sector at magkaroon ng kahusayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng public at pribadong sektor. At isa sa mahalagang probisyon dito ay ang privatisation ng transmission sector.

Dahil dito itinatag ang NGCCP noong 2008 simula noon nabalot sa kontrobersiya at isyu ang NGCP, kasama dito ang isyu ng panganib na ma-espiya at napakataas na dibidendo kahit dumaranas tayo noon ng maraming brownout. Simula pa lang ayaw ng maraming mambabatas na alisin ang China Grid sa NGCP. Bago pa man may mga pinuhunan ang China Grid Corporation sa iba’t-ibang bansa, ngunit, ayon sa isang mambabatas ang kasunduan ay nagparang iginigisa tayo sa sariling mantika.

At sa isang pagdinig ng Senado, ang bulto ng kita na 75% o 99% ng kita noong 2014, 2015 2017 at 2019 ay bayad mula sa mga shareholders! Sa maikli, natuklasan na may kakayahan ang China Grid na kontrolin ang pamamahagi ng kuryente. Dito ako nagagalit. Nagbigay-babala noon si Dating Associate Justice Antonio Carpio na mapanganib ang sitwasyon na ito. “I think it should be a cause for concern especially if the technicians who are manning or maintaining the grid, the power lines, are Chinese.

“Because if the Chinese are the ones maintaining our national grid then it’s easy for them to shut it down. They can always inject malware in the software,” ani Carpio. Ibig sabihin, isang utos lang ng Peking pwedeng isara ang kuryente ng walang kamay at remote control! Maraming babala ang nakikita natin, at ito ay magagamit ng pulahang tsina sa kanilang inilunsad na “assymetric warfare” sa kanilang kaaway.

Mahalaga na manatiling mapagmatyag at nakaabat sa anumang kilos ng mga pulahang tsino. At pag nagkataon, tinitiyak ko sa inyo: NAKURYENTE TAYO. Kasihan nawa tayo ni Poong Kabunian at Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!

***

mackoyv@gmail.com