Advertisers
NASAWI sa bugbog ng mister ang isang ginang, na unang pinalabas na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.
Kinilala ang nasawi na si “Madelaine”, 36 anyos; habang naaresto ang mister na si “Eleniel”, 41, kapwa residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sa report sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), 4:00 ng hapon nitong Linggo nang dumating mula sa trabaho ang anak ng biktima na si Luis at nakitang nakahandusay sa sahig ang ina habang nire-revive ng kanyang ama.
Tinanong ni Luis ang ama kung ano ang nangyari, at sumagot ang huli na nagbigti umano ang kaniyang ina.
Isinugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center, ngunit binawian ng buhay 10:16 ng gabi, Enero 6.
Subali’t sa follow-up investigation, sinabi ng kapatid ng biktima na si alyas Rivera na hindi nagpakamatay ang kanyang ate sa halip namatay ito sa bugbog ng asawa.
Base sa pagsusuri ng SOCO team, nagtamo ang biktima ng maraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan nguni’t walang markang ligature sa kanyang leeg.
Nakapiit na ang salarin habang isinasailalim sa imbestigasyon.