Advertisers

Advertisers

Mayor Honey 3rd sa ‘Pulso ng Bayan: Top Performing Mayors of NCR” sa Dec. ’24 survey

0 29

Advertisers

PUMANGATLO si Manila Mayor Honey Lacuna sa “Pulso ng Bayan: Top Performing Mayors of National Capital Region” sa kanilang survey na isinagawa para sa buwan ng December 2024.

Ang nasabing survey para sa December ay nagtatampok sa outstanding performance ng local chief executives sa National Capital Region (NCR).

Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may approval rating na 92.7%, na statistically tied kay Mayor Vico Sotto of Pasig City, na nakakuha ng 92.3%.



Sila ay sinundan bilang top performers nina Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City na may 91.6%; Mayor Honey Lacuna na may 90.5% att Mayor Abby Binay ng Makati City na may 89.2%.

Bilang reaksyon, pinasalamatan ni Lacuna ang Pulso ng Bayan at mga bumoto sa kanya at sinabing ang kanilang tiwala at kumpiyansa sa kanya ang siyang inspirasyon sa kanyang administrasyon na pagbutihin pa ang kanilang mga ginagawa sa darating na mga araw.

Ang pagkilala, ayon kay Lacuna ay ‘di lamang balidasyon na Hindi kayang talunin o balewalain ng anumang negatibong pangangampanya laban sa kanyang administrasyon ang ganansya na natamo ng Maynila simula nang maupo siya bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa noong 2022, sa kabila ng pagpapatakbo ng lungsod sa kakapurit na budget dahil sa iniiwang P17.8 billion na utang ng dating mayor na si Isko Moreno.

Nangako ang lady mayor na manatiling nakatutok sa katuparan sa adhikain ng pamahalaang lungsod tungo sa “Magnificent Manila’ sa taong 2030.

Binibigyan halaga ng survey ang patuloy na tiwala at kasiyahan ng mga nasasakupan sa pamamahala ng kanilang lokal na pinuno partikular sa pagbibigay ng serbisyo publiko, pagbabago at mabilisang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.



Ang “Pulso ng Bayan” ay nagbibigay ng independyente at komprehensibong evaluation ng nga public officials, na sumasalamin sa sentimyento ng mga botante at nagsisilbing gabay para sa epektibong liderato sa National Capital Region.

‘Di lamang bina-validate ng resulta ang mga ginagawa ng mga mayors na ito, kundi hinihikayat din nito ang ibang mga pinuno na gayahin ang kanilang mabuting ginagawa bilang mga serbisyo publiko. (ANDI GARCIA)