Advertisers
NATUNTON ng mga awtoridad ang bangkay ng negosyanteng senior citizen na dinukot at ibinaon sa bakanteng lote sa San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan.
Kinilala ang bangkay ng isang nagngangalang William, 62, businessman, residente ng Xavierville II, Loyola Height Subd. Quezon City.
Sa report, magkatuwang ang SJDM Police Station at QCPD Anonas Police Station 9 sa paggalugad kaya nahukay ang bangkay 1:30 ng umaga nitong January 9 sa Amoranto, Towerville, Brgy. Minuyan Proper.
Sa impormasyong nakalap, inginuso sa mga awtoridad ng dalawang naarestong salarin na sina Noli Banegas Cape at Mervin Juane Armas ang eksaktong lugar na pinagbaunan kaya nakita ang bangkay, na may bakas ng sakal sa leeg at gapos sa kamay.
Ayon sa QCPD, naaresto sa hot pursuit operation ang sinasabing utak ng krimen na si Victor Vidal Dueñas.
Sinasabing natagpuan ang kotse sa lungsod ng Caloocan ng biktimang tatlong araw ng nawawala matapos dukutin sa Quezon City.
Sinusulat ito, nalamang naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang hot pursuit operation ang itinuturong mastermind sa naturang krimen na si alyas Victor.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek.