Advertisers

Advertisers

‘KILLER’ NI RUBY ROSE BARRAMEDA TIMBOG!

0 60

Advertisers

NAHULI na ang pangunahing salarin sa pagpaslang noong 2007 kay Ruby Rose Barrameda, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

Ang aktres ang kumilala sa salarin na si Lope Jimenez, ang tiyuhin ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III.

Nadakip ang suspek sa Mandaluyong City sa ibang kaso ng kidnapping and murder na may pagkakatulad sa pagpaslang kay Ruby Rose.



Sa isang police report mula sa Quezon City Police District, naaresto nila ang isang “James Paul Dwight” na itinuturong mastermind sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si William Pascaran Sr.

Positibo naman si Rochelle Barrameda na si Lope Jimenez ang salarin.