Advertisers
Ni BLESSIE CIRERA
NAPATUNAYAN ng pelikulang Her Locket na may karapatan itong manalo sa mga nakamit nitong awards sa Sinag Maynila at sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.
Nang mapanuod namin ang advance screening nito kamakailan, nagandahan kami sa isang simpleng istorya pero nakaantig ng aming puso at damdamin.
Kahit pawang hindi kasikatan ang mga karakter sa Her Locket, nag-uumapaw naman ang kanilang mga husay sa pagganap sa kanilang mga karakter sa pelikula sa pangunguna ng bida-producer na si Rebecca Chuaunsu.
Mula sa direksyon ni J. E. Tiglao at produksyon ng Rebecca Chuaunsu Film Production at Rebelde Films at distributed ng Solar Pictures, maliban kay Ms. Rebecca, nasa Her Locket din sina Elora Espanto, Boo Gabunada, Sopie Ng, Francis Mata, Benedict Cua, Jian Repolles, Tommy Alejandrino, Zoey Villamangca at iba pa.
Ang Her Locket ay tungkol sa pagkakaroon ng dementia ng isang Chinese woman na si Jewel Ouyang ( Chuaunsu) at dito na iikot ang istorya ng pelikula. Dahil sa kanyang locket ay manunumbalik ang alaala ng nakaraan sa kanya.
Tsika nga ni Ms. Rebecca, ang Her Locket daw ay inabot ng 32 years sa paggawa at maraming pagsubok ang pinagdaanan nito.
“This is my first full-lenght film film and I brought it to different countries, to US, Europe, Africa, Asia and now to the Philippines,” sabi ni Ms. Rebecca.
“This film is inspired by a true story, I want you to spread the words so that during the commercial run, there will be more people to come and we will have more sales and I can produce Her Locket 2,” anya pa.
At dahil kapwa sila Chinese ng sumakabilang buhay na producer na si Mother Lily Monteverde, sigurado si Ms. Rebecca na magiging masaya ito para sa kanya lalo’t hinggil sa isang pamilyang Tsino ang kuwento ng Her Locket.
Kaya hindi kataka-taka na manalo ang Her Locket ng walong awards sa Sinag Maynila Film Festival nitong nakalipas na Sept. 2024 gaya ng Best Film, Best Director, Best Screenplay, Best Actress, Best Supporting Actress, Best Production Design, Best Cinematography at Best Ensemble Acting.
Nanalo rin si Ms. Rebecca ng dalawang international best actress awards sa Festival International du Film Trans-saharien de Zagora in Morocco (2023) at Wu Wei Taipei International Filipino Film Festival in Taiwan (Sept 1, 2024).
Ang Her Locket ay mapanunood na sa mga sinehan simula sa Jan. 22, 2025 kaya sugod na at personal n’yong saksihan ang kakaibang kuwento nito na maaari ring mangyari sa bawat isa.