Advertisers

Advertisers

MGA ISYU SA 2025

0 8,439

Advertisers

TATLO ang mga matinding isyu na haharapin ng bansa sa kabuuan ng 2025. Nangunguna ang impeachment complaint laban kay Misfit Sara; pangalawa, ang midterm elections sa Mayo kung saan mahaharap ang maraming political dynasties sa matinding backlash; at pangatlo ang napipintong pagdakip ng International Criminal Court kay Gongdi at mga kasapakat sa madugo pero bigong digmaan kontra droga.

Hindi titigil ang mga kaaway na pulitikal ng pamilya Duterte, kasabwat, at kapanalig na tuluyan silang mawala sa pulitika ng bansa. Inaasahan na lalaban sila upang manatili na kasali at may impluwensiya sa pag-inog ng poder sa bansa. Pangunahin sa isyung iyan ang apat na reklamong impeachment laban kay Misfit Sara.

Inaasahan na gagamitin ng mga kalaban ni Misfit Sara ang apat na reklamong impeachment upang mapatalsik siya sa poder at tuluyang mawala sa halalan sa 2028. Walang nakikitang ganti si Misfit Sara maliban sa propaganda ng panlalansi sa mga katunggali. Hindi matatapos ang taon at wala na sa siya sa poder. Mawawalan sila ng partisipasyon sa pulitika ng bansa.



Iinog ang kampanya sa midterm elections laban sa mga naglipanang pamilyang pulitikal na aabot sa 200. Maraming pamilya political dynasty ang totoong isinusuka ng bayan dahil sa kawalan ng kakayahan na ugitin ang pamahalaan at paunlarin ang bansa. Marami sa kanila ang matatalo.

Marami sa mga malalaking political dynasty sa bansa ang nasa Kongreso, LGU, at kahit sa mga executive position. Narito ang ilan sa kanila: Gatchalian sa Valenzuela City, Revilla sa Cavite, Binay-Campos sa Makati City, Villar-Aguilar sa Las Pinas City, Cayetano sa Taguig City, Pineda sa Pampanga, Singson sa Ilocos Sur, Garcia sa Cebu.

Romualdez sa Leyte, Ampatuan sa Maguindanao, Ejercito-Estrada sa San Juan City, Yap ng Tarlac, Lagman sa Albay, Ynares ng Rizal, Zubiri ng Bukidnon, Romualdo ng Camiguin – sila ang ilan sa mahigit na 200 pamilya na naghahari sa bansa. Isama pa natin ang mga Duterte ng Davao City at Marcos ng Ilocos Norte, ang dalawang pinakamalaking pamilya sa bansa.

Hindi masyadong nabigyan ng pansin ang sakdal na crimes against humanity na iniharap laban kay Gongdi at mga kasapakat sa International Criminal Court. Naunang iniharap ang sakdal noong 2017 ni Sonny Trillanes, Gary Alejano at Samahang Magdalo. Sumunod sa kanila ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) pagkatapos ng isang taon at kalahati.

Sumulong ang sakdal sa ICC at nasa estado na ito ng “formal investigation” kung saan, batay sa probisyon ng Rome Statute, ang tratadong bumuo sa ICC, maaaring ipadakip si Gongdi at mga kasabwat sa krimen. Nakikita namin ang pagsulong ng sakdal kung saan dakpin si Gongdi at mga kasamang kriminal upang harapin sa paglilitis ng ICC.



***

KUMPORME kami sa pasya ng administrasyong BBM na balasahin ang National Security Council (NSC) at alisin bilang kasapi si Misfit Sara at ang mga dating pangulo na sina Gongdi, GMA, at Erap. Walang iaambag ang mga inalis sa NSC. Maliban kay Erap na umiihi na sa pantalon, kakampi sila ng China.

Mas ipagtatanggol ni Misfit Sara, Gongdi, at kahit si GMA ang interes ng China. Hindi sila nagsalita kahit gaputok pagdating sa agresibong pag-atake ng China sa mga sasakyang pandagat ng Filipinas na nasa West Philippine Sea. Patuloy na inaangkin ng Peking ang teritoryo ng Filipinas at kahit minsan hindi nila binanatan ang China.

Ang tingin namin, magsisilbing espiya lang ng China si Sara, Gongdi, at GMA kung nanatili sila sa NSC. Kaya tama ang ginawa ni BBM. Hinihiling namin na huwag magbabago ng pag-iisip si BBM. Huwag bibigyan ng trabaho si Sara dahil hindi siya karapat-dapat.

***

PANGLIMANG impeachment complaint si Misfit Sara na ihahain sa Camara de Representante? Paliguan si Sara ng reklamo upang tuluyan siyang mawala sa poder at hindi makatakbo sa 2028. Hindi lang siya pipilayin kundi buburahin sa larangan ng pulitika.

Ganyan ang pulitika sa bansa. Kailangan malupit ang sinumang may kapangyarihan sa bansa at huwag pagbibigyan ang kalaban dahil makakabalik pa siya. Hindi pagbibigyan si Misfit Sara. Tuloy-tuloy ito, sa totoo lang.

***

MGA PILING SALITA: “Uulitin ko ang madalas kong sabihin. Huwag magtitiwala kapag ang pulitiko ay galing sa showbiz. Kundi iyan tiwali, o mandarambong, mahina ang kukote. O pareho. Masdan si Erap, Jinggoy, Bong Revilla, Roderick Paulate, Cesar Montano, Richard Gomes, Robin Padilla. Isama na ninyo si Yorme, Philip Salvador, at Lito Lapid. Isama si Willie Revillame.” – PL, netizen, kritiko

“PNoy once quoted his mother Cory, who told him ‘the tragedy of every plunderer is to spend the rest of his life hiding his loot.’” – George Medina, netizen

“A thin line divides an insult and sarcasm. Oftentimes, what appears insulting is just a statement of sarcasm. Easy lang.” – PL, netizen, kritiko