Advertisers
NASAWI ang isang lalaki sa engkwentro sa mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office Intelligence Unit sa labas ng compound ng Philippine Port Authority (PPA) sa Barangay Calicanto, Batangas City nitong Biyernes ng haapon.
Ayon kay Lt. Colonel Aira Morello, acting police chief ng Batangas City PNP, 1:40 ng tanghali nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa isang wanted mula sa Masbate.
Nilapitan umano ng mga pulis ang isang lalaki para sana tanungin nang bumunot ito ng baril at nagkaputukan. Nasapol ang lalaki.
Naitakbo pa sa ospital ang lalaki pero binawian din ng buhay.
Hindi pa malinaw kung ang nasawi ang siyang tinutugis na wanted.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki. (Ronald Bula)